Part Fourteen
(Baliw Sa Kanya)
At gaya nga ng sabi ni Luis magkikita kami ngayon.Nagtext siya kahapon, pupunta daw siya dito sa bahay para bisitahin ako.Aayaw sana ako eh, pero ng malaman kung aalis sina Mama at Papa.Pumayag na rin ako…I want to be with him.Kahit saan pa ‘yan lang as long as magkasama kaming dalawa.
“Sabrina, kayo ng bahala dito sa bahay ah.Sabihan mo rin ang Ate mong siya ang magluto para sa inyong dalawa.Huwag ikaw ang uutusan niya dahil siya ang matanda sa inyong dalawa..” bilin ni Mama sa akin.
“Opo Ma, sasabihin ko po..” sabi ko.Asan ba kasi si Ate?Pagka-gising ko kasi kanina wala na siya.
“Sige na’t i-lock mo na ‘tong pinto at aalis na kami ng Papa mo.”Tumango ako bago humalik sa pisngi ni Mama.
Pupunta silang Zamboanga, sa probinsiya namin.Nadamay kasi sag era doon ang ilang pamilya naming.Nasira ang malaking bahay naming doon dahil ginawang taguan ng mga rebelde.Mabuti nalang at naka-alis agad sila Auntie at lola kasama ang ilang pinsan ko bago pa sila ma-hostage.Pero ngayong tapos na ang gyera, at balik sa dati ang pamumuhay nila doon.Kukunin nila Mama si Lola dahil na-trauma sa gulong nangyari.
“Ma ingat po kayo..” sabi ko pa bago tuluyang isinarado ang pinto.Tatlong-araw lang silang mananatili doon so ibig sabihin…tatlong-araw din akong walang bantay! Hahaha.
Umupo ako sap nag-isahang sofa.Ipinatong ko ang dalawang binti sa maliit na lamesa.Tsk, anong kayang pwedeng magawa ngayon? I check my cellphone, may mga ilang groupmassages ng mga kabigan t kaklase ko.Kay Khen din my text.
Khen:
Hey Sab, pwede tayong magkita bukas?
Tomorrow is Sunday, magsisimba kaming dalawa ni Ate.I’m not sure kung kayak o ng makipagkita sa kanya.Sa school, di ko siya pinapansin.Basta ayaw ko! Naasiwa ako kapag lumalapit siya sa akin.Kaya sa mga practice namin pinipilit ko talaga ang sarili kong baliwalain siya.I know, he likes me gusto ko rin naman siya pero noon ‘yun.Simula ng mapansin ako ni Luis, simula ng may nangyari sa aming dalawa.I devoted myself to him na, ayaw ko ng iba pang lalaki bukod sa kanya.Sabihin mang kaibigan lang ‘yun…
Hindi ko nalang siya ni-replyan.Pag-iisipan ko pa kung makikipagkita pa ako sa kanya o hindi.
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)