Baliw Sa Kanya
(Part Twelve)
Pagkatapos magwalk-out ni Luis agad kaming nagkatinginan ni Colline.Sabay kaming napahikgik sa inasta nito.
“Alam mo, ngayon ko lang nakitang nagsungit ng ganoon ang pinsan kong ‘yun.Nakita mo ‘yun? Nagkulay kamatis ang buong mukha…nahiya siguro sayo.Hahaha..” sabi ni Colline na hawak-hawak pa ang tiyan sa kakatawa.
“Timigil ka nga Colline.Bakit naman sya mahihiya sa akin?”
“Aba’y ewan ko! Alangan naman sa’kin sya mahiya eh magpinsan naman kami! Eww lang huh, kahit alam kong gwapo at ubod ng matcho nyang pinsan ko.Wala naman akong ni katiting na pagnanasa diyan noh.” Sabi nya nya sabay ngiwi.
Pagnanasa… pagnanasa ba ang tawag doon na hanggang ngayon di ko pa rin maalis ang itsura ni Luis sa utak ko? Parang sirang plakang ito bumabalik-balik sa isipan ko kahit na normal akong nakikipagbiruan kay Colline.
“Halika ka na dito Sabrina, tulungan mo ako dito sa mga pinamili ko.Mukhang mamaya pa ‘yun lalabas ang pinsan ko.Tsk..grabe talaga ako na nga namili, ako pa ang mag-aarange..” reklamo ni Colline habang isang-isa inilalabas ang mga grocery sa cellophane.
“Ahm..Colline pagkatapos ba nito uuwi na tayo?” tanong ko habang inilalagay sa ref ang mga karneng pinamili nya.
Sa totoo lang kasi ayaw ko pang umuwi.Gusto ko pang manatili dito ng matagal.Gusto ko ulit Makita si Luis sa ganoong ayos.Aish! Pinagnanasaan ko na yata siya eh…ay hindi pala matagal ko na syang pinagnanasaan sa isip ko PERIOD!
Muli kong pinagmasdan ang kauuban ng bahay nya.Hmp…malinis naman sya at kompleto sa gamit.Pwedeng-pwede na nasa akin kung sakaling magkatuluyan kam---Syete Sabrina ano na naman ba ‘yang pinag-iisip mo?! Nangangarap ka naman ng gising.
“Hoy! Bakit tulala ka diyan?!”
“Aray Colline!” Kainis ‘tong babaeng ‘toh ang sakit pa rin manghampas.Pero okay lang, mabuti nalang nagising ako sa kahibangan ko sa ginawa nya.
“Ayan ka naman Sabrina eh.Ilang buwan hindi tayo nagkita pero wala ka pa ring pagbabago.Bigla-bigla ka nalang naa-out of space diyan.Hindi ko malaman kong saan na lumilipad ‘yang utak mo…kung nasa earth pa ba o nasa ibang planeta na!” sinimangutan ko lang si Colline pagkatapos pinagpatuloy ang ginagawa ko. “Uwi na tayo agad pagkatapos nito.Si Vince lang kasi ang nag-aalaga kay VJ sa bahay eh dahil wala si Mama.Kilala mo naman ang ugok na ‘yun, walang alam gawin kundi tumunganga at magpasarap! Kainis! Nagsisi nga ako kung bakit pinatulan ko ‘yun eh..” natatawa ako kay Colline.Halatang malaki na ang pinagbago nya.Naging mature na ang dating kaibigan kong baliw na baliw kay Vince.Ang dating Colline na gagawin ang lahat para lang hindi mawalay kay Vince.
“Tss…ngayon ka pa talaga nagsisi ngayon nanjan na si VJ.Sana naman inisip mo ‘yan noh bago ka sumama kay Vince noon para dalhin sa mga madidilm na lugar.” Paninisi ko sa kanya.Pinanlakihan lang nya ako ng mata sabay hampas na naman sa braso ko.
“Eh kasi nga bulag na bulag ako sa kagwapohan nya noon.Ngayon ko lang na-realize ang pangit nya pala kapag wala sa madilim na lugar…”
“Hahahaha! Ewan ko sayo Colline.Panindigan mo nalang ‘yan total nanjan na ‘yan eh…you cannot do anything about it na.”
“Sinabi mo pa..” kapwa kami natahimik pagkatapos noon.Isa si Colline sa malalapit kong kaibigan.Kaya labis akong nalungkot ng nalaman ko ang nangyari sa kanya.
Matalino sya eh, lagi syang nasa top 1 noon na kahit kailan hindi ko nagawa.Nanghihinayang ako for her future.Naawa ako sa magulang nyang may malaking pangarap sa kanya.Pero wala akong magagawa, nagmahal ang kaibigan ko.She was blinded by her love for Vince.Si Vince wala na ‘atang ginawa kundi akitin at pabigin ang kaibigan kong busy sa pag-aaral noon.
BINABASA MO ANG
Baliw Sa Kanya [COMPLETED]
RomanceHindi ko akalaing sa ang bata kong puso ay iibig sa isang taong katulad n'ya. Umiibig nga ba ako o... Baliw sa kanya? -Sabrina
![Baliw Sa Kanya [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/9856801-64-k201241.jpg)