Chapter 2-- Adobong Manok

6.3K 137 4
                                    

Chapter Two-- Adobong Manok

Point of View

-Thaeia Ys Lee-

Spell H-A-G-G-A-R-D.

Jusme! Nakakaloka! Ang daming assignments and projects idagdag pa ang mga lecheng long quiz na yan! Kung totopakin nga naman mga prof mo no.

Nahihilo ako na aprang inaantok na ako. ano ba 'yaaaan parang isang pitik na lang makaka-tulog na ako dito sa sofa. Di pa ako nakapag-palit ng uniform.

"Anong ginagawa mo?!"

"Ay anak ka ng tatay mo!" Napatayo ako sa gulat.

Napatingin ako sa direksyon ng pintuan. Papatayin ako sa gulat ng lalaking 'to eh. ABA! May kasamang babae si Seth. Kung makaka-kapit naman 'to sa asawa ko.

"A-ah. Kakarating ko lang kasi galing school. Ang aga mo ata umuwi."

"Maghanda ka ng hapunan. Come on babe. Dun tayo sa itaas."

"Oh sure baby."

Wow ha. Pagod na pagod na nga ako pagkatapos sinaksak pa puso ko! Sabihin niyo lang kung may problema kayo sa akin, patayan nalang kung gusto niyo!

MALAKI NA 'YAN! DI NA 'YAN BABY! KAINIS KAYO.

Ipinalupot pa ni Seth ang kamay niya sa bewang ng babae. Swerte naman niya gina-guide talaga siya ng asawa ko paakyat sa hagdan. Kayo na.

Aish! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ba kasi ang iyakin ko! Pinahiran ko kaagad ang luha ko at puunta na ng kusina. Teka nga. Ano ba niya ako rito? Asawa o katulong?

'Wag na 'wag mong ipapakita na mahina ka Thaeia! Yae na mas malakas ka pa sa kalabaw! Mas matibay ka pa sa narra! Mas mabango ka pa kesa sa sampaguita at mas maganda ka pa sa bangus! Mas- Bakit ko ba kino-compare ang sarili ko sa bangus? Kung sa bagay, parang bangus ang mukha ng babaeng kasama ni Seth. Sige ito nalang, mas maganda pa ako sa Bangus! Hmp

Umakyat na ako sa itaas at pumunta sa kwarto ko.. At nagbihis ng pambahay na damit. Jogging pants and T-shirt. Excuse me pero minsan lang talaga ako nagsusuot nga shortslahit long-legged ako. Chaaaar. Pero seryoso, kapag komportable lang talaga ako gumaganyan.

Ano kaya lulutuin ko para sa gwapong asawa ko na isarap na minsan sapakin?

Nandito na ako sa kusina at nag-iisip ko ano ang pwedeng lutuin..

Mag-adobo na lang kaya ako na sobra-sobra sa anghang?? Lalagyan ko ng maraming-maraming sili, na sa sobra anghang mafi-feel nila na nasa Korea sila??? Or di kay mag-bake ng lasagna na sobrang pait??

Aish. Bahala na nga si Dora.

"Oh my gosh kumakain ka nito Seth?!"  malanding sambit niya sa harapan ko at sa tabi ni Seth.

Nandito kami ngayon sa kusina, sa may maliit na table kumakain. Kaharap ko si Bangus at Seth sa mesa.

Tiningnan ko nalang siya ng masama at napahawak ng mahigpit sa kutsarang hawak ko. Dukutin ko 'yang mata mo eh.

"I'll try." Nalipat naman kaagad ang tingin ko kay Seth. Is this real?

Tinikman ni Seth ang luto ko.  Parang slow mo yata ang pagnguya niya ng niluto ko o baka dahil lang sa pagod to at mali mali na ang mga nakikita ko. Parang di ko mai-drawing ang mukha ni Seth.

First time kaya niya maka-tikim nito. Ikaw ba naman sosyal.

"Ok lang."

Waaaaaaaaaah! Kinikilig ako. Oh ano ka ngayon bes?

"What? Ew Seth. I won't eat that"

"Alam mo miss. Kung ayaw mong kumain. Edi 'wag. Hindi ka pinipilit. Bahala ka kung mamatay ka sa gutom. At adobong manok lang yan."

OA! Ihawin kita dyan eh.

"How dare you to say that words?!" Ay. Pati reaction OA rin. Scripted ata 'to eh.

"Alam mo miss maraming tao ang nagugutom dahil sa wala silang makain. Just leave gosh." Kokonsensyahin ko nalan 'to.

"Eto? Pagkain?? Cheap ha."

Sumusobra na 'to ha!

"So? tao ka? Cheap ha." sagot ko sa kanya. I can be a bad girl too. *smirks

 "B*TCH--"


"WILL YOU BOTH SHUT THE FUCK UP?!"

Binalot ng tahimik ang paligid. Parang na freeze ako sa kinatatayuan ko. Ilang ulit na akong sinigwanan ni Seth pero hindi pa rin ako nasasanay sa ganito. Ramdam kong lalabas na ang luha ko pero pinigilan ko. No please.

"Come on babe, wag mo nalang kainin 'yan." sabi niya sa babae niya at hinawakan ni Seth sa bewang ang babae at dinala paakyat sa taas.

Ba't ganito? Ang bilis. Binabawi lahat ang kakaunting saya na nararamdaman ko.

Iniligpit ko nalang ang pinagkainan namin ni Seth at umakyat na sa kwarto ko. Habang nagsusulat ako ng essay ko. Bigla nag-ring ang cellphone ko. Sino naman kaya 'to?

At dahil busy ako. Di ko na tiningnan ko sino ang tumatawag at diretsong sinagot ko nalang ito.

"Yeoboseyo? Sino 'to?"

"Hindi mo naman tiningnan ko sino ang tumatawag eh."

"Ah hehehe ikaw pala Red."

"The one and only haha. Anyway, ano assignment natin sa Math?"

Sinabi ko kanya ang assignment at tinuruan na rin. Grabe talagang style. Magtatanong kung ano ang assignment tapos magpapaturo..

"Hey Thae. May problema ka ba? Parang ang lungkot ng boses mo."

"Huh? Hindi ah. W-wala hehehe."

"Hay ewan ko sayo. Basta ha. Nandito lang kami kapag may problema ka. Parang magkapatid na tayong apat eh. Magsabi ka lang." Awww. Heto na naman. Iiyak na naman ako nakakainis na.

"Ah s-siyempre..Sige na gumawa ka na ng assignment mo."

"Sige. Good night Thae."

"Sweetdreams Red."

Mabuti nalang at may mga kaibigan ako na nandyan palagi sa tabi ko. Sana na kayo ako pupulitin kapag wala sila.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinubsob ang ulo ko sa libro sa harapan ko.

Kailan kaya? Kailan kaya Seth?

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon