Chapter 37-- Trip lang Part 3

2.6K 58 0
                                    

Chapter Thirty-Seven-- Trip lang Part 3

Point of View

-Red Lopez-

“S-si Thaeia ba y-yan?”   napatingin kami lahat kay Ands at lumipad ang tingin namin lahat kay Thaeia.

Oh My Gulaaaaaay! Si Thaeia ba to???? Sampalin niyo nga ako! Baka panaginip lang to!

Lumapit si Thaeia sa amin at inilubog ang mga paa sa pool.

“Sabi ko na eh!!! Oh My Gorgeous! Thaeia may tinatago kang ganda!” Cinds

“Huh? Anong pinagsasabi mo Cinds?”

“Oi pa-humble pa! Hahahaha” singit ni Red

“Loko ka talaga Red! Hahaha”

Sino ba naman ang di magagandahan sa bunso namin? Simple lang pero elegante. Kung sa mga damit masasabi mong “Simple but Elegant”. Naka-shorts lang naman siya tapos black t-shirt. Pero ano ang nagpapaganda sa kanya? Nang nakalugay ang buhok niyang mahaba, yung puti ng kutis niya, pink lips at siyempre ang character niya. She's so innocent and very demure person.

Nagkatinginan kaming tatlo.

“DALAGA NA BUNSO NAMIN!!!!!” sigaw naming tatlo at nagtawanan naman ang lahat. Napailing nalang si Thaeia atsaka tumawa.

Nakisali na rin siya sa amin sa pool.

“Thae ba't di ka nag-swimsuit?” tanong ni Ands

“Mwo?? Andwae! Hahaha wala akong swimsuit :P” binelatan pa kami

“Ngayon ka lang namin nakitang nagshorts Thae. Buti naman at di ka naki-join sa amin dito na naka-pants! Hahaha” nag apir kami ni Cinds

“Hahaha ewan ko sa inyo. Nga pala nasan si Keith?”

“Si Keith talaga hinahanap?? Hahaha di mo siya nakita dun sa taas? Kukunin niya daw muna mga dumi niya sa mukha.”

“Aaaaaah ok.. Si Seth pala?”

“Ayon oh!” turo ko kay Thaeia.

Naka-upo sa branch ng puno. Di ko na dapat pang idescribe kasi naidescribe na ni Ands kanina! Hahaha XD

“Oh sige puntahan ko muna siya ah.”

“Yeah sure” Ands

Grabe ang ganda talaga ng bunso namin. Di ko akalain na may mas igaganda pa pala siya. Yung walang suot na salamin. Alam namin na maganda si Thaeia eh, kaso nasa likod ang gandang iyon ng kanyang salamin.

Di ko namalayang nakangiti na pala ako. Ganun din si Ands at Cindy. Sigurado naman akong ganyan din iniisip nilang dalawa.

“Hey babe”

O//////O

“Ay babe! Babe ka jan?!” pabulong kong sinagot kay Grey at sinuntok sa tiyan. Pero..... Waaaaaaaah!!! Ok magiging honest na ako sa inyo..... Gusto ko si Grey!!! Ay mahal pala! Matagal na mga teh!!! >__<inakbayan pa talaga ako! Tinanggal ko nga ang akbay niya. Eh ayaw ko nga! Kahit mahal ko yan! Basta! Hahaha ang awkward kasi sa amin eh. Or ako lang?

“Aaaaw ang sakit. Dibale  naka tsansing ka naman. One point na yun sa'yo” tae Grey. Wag kang ngumiti.

“Ang bastos mo talaga kahit kailan. Wala ka na talagang pag-asa. Di pa rin nagbabago ugali mo” inirapan ko lang siya at tumalikod ako sa kanya para itago ang pamumula ng mukha ko.

“Oh? Gusto mong magbago ako?? Kung magbabago ako, di na kita kukulitin, di na kita aawayin, di nakita lalaitin at di na kita guguluhin”

Nakatalikod pa rin ako sa kanya na naka crossed-arms.

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon