“Can I ask you something?” tanong ni Seth sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.
“About what?” tanong ko sa kanya pabalik.
Natahimik siya sandali at huminga ng malalim.
“Bakit ka nagpakasal sa'kin?”
And those words hit me. Those words, a thousand feelings.
CHAPTER SIXTY-SIX-- Sadness and Confusion
Point of View
-Thaeia Ys Lee-Flashback
“Oi wait lang insan. Tumatawag si Attorney Hwang. Sagutin ko lang 'to ah”
Nagnod si insan sa akin. Nagpakalayo-layo muna ako sa kanya atsaka sinagot ang tawag ko.
“Hello po?”
“Thaeia”
“Yes po? Bakit po?” parang kinakabahan ako dito ah. Ang seryoso naman yata ng boses ni attorney.
“May naiwang last will and testament and daddy mo” aaaaaah... ? Alam na namin to ni Kuya Ty ah.
“We can't talk about it over the phone. Kailangan natin magkita-kita.”
Hindo ko alam kung bakit pero bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ko ano itong nararamdaman ko ngayon.
“Alam na po ba 'to ni Kuya?” tanong ko kay Atty. Kinakabahan man ako pero I tried na 'wag ipahalata kay Atty.
“Yes, of course. Depende na sa inyo kung pupunta kayo ng Korea or I'll be the one na pupunta diyan sa Pilipinas”
“Ah s-sige po”
“Sige, ingat ka palagi Ms. Lee. Be safe always”pagkatapos niyang magsalita ay binababa niya kaagad ang phone.
Ilang araw ang lumipas at napag-usapan namin ni Kuya Ty na pumunta ng Korea. Kasama pa nga namin si insan. Ewan ko kung ano ang trip niya but after all, family naman namin siya.
Magkasabay kaming tatlo pumunta roon. Pagkalapag nang pagkalapag ng eroplano, dumiretso na kami kaagad kay Atty. Hwang. Sa isang coffee shop daw kami magkikita malapit sa kanilang bahay sa Cheongdamdong, Seoul.
“You okay?” tanong sa akin ni kuya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lap ko.
Nanlalamig ang kamay ko. Oo winter na ngayon dito at talagang mas bumababa pa ang temperatura at malamig na rin dahil sa aircon sa loob ng sasakyan na'to.
Pero iba ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro 'yun ka hirap ang hinibalin ni Daddy? I don't know what to do.
Tumango ako kay kuya Ty. Hinawakan din ni insan ang kanang kamay ko.
“Here wear this” inabot sa akin ni insan ang knitted gloves. Makapal naman siya kaya hindi na masyado nilalamig ang kamay ko. Pare-pareho pa kami naka-winter jacket ngayon at naka-sapatos.
Try mo kayang mag-tsinelas?
Huminto ang sasakyan na sinasakyan namin. So it means... nandito na nga kami. Bumaba kami ng sasakyan at dumiretso sa coffee shop na iilan lang ang mga tao.
Pagkapasok namin doon. Hinubad namin kaagad ang winter jacket na suot-suot namin at binigay ito kay manong driver na sumundo sa amin dito sa Korea. Isa rin to sa mga driver namin dito. May cape pa rin naman kaming suot kaya hindi na masyadong malamig. And besides, sa tingin ko may heater dito eh.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...