Chapter Fifty-five-- It's a Good To Be Back
Point of View
-Thaeia Ys Lee-
“It's good to be back” nakangiti at hyper na saad ni Kuya Ty. Sinalubongnaman kami ng ngiti at yakap ni insan at ate Cherish.
Pagkatapos kong umalis at tumira sa kung saang-saang lupalop ng mundo nang napakaraming taon. Ngayon... nagbabalik ang napakagwapong Thaeio Yd Lee at siyempre ang napakagandang Thaeia Ys Lee. Charing!
“Waaaaaah baby girl!!! Ang ganda-ganda mo! Grabe namang transformation yan!!! ImprovED!”
Napailing ako at napatawa kay gandang insan. Inemphasize niya talaga ang past tense na 'ImprovED'.
“Hahaha thank you ate” sabi ko habag nakayakap pa rin si gandag insa sa'kin.
“Aaah babe, ako naman pwede?” sinamangutan siya ni Ate Cherish.
“Insan…” malambing na sabi sa akin ni insan-slash-kuya Shone-slash-gwapong insan. Ngumiti ako sa kanya. He spread his arms na sobrang laki na para bang nagsasabi na yakapin ko siya. Niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit.
“Insan wag kang babakla-bakla.“ namumula kasi ang mata niya eh. Hahaha OA to.
“Di mo lang alam kung gaano ako nag-aalala sa'yo. Atsaka siympre miss ko na ang bunso namin”
“Asus! Hahaha tara na nga gutom na ako.” dinala ng ilang bodyguards namin ang gamit atsaka sumakay ng sasakyan. Si kuya Ty talaga, overprotective. Pinagtitinginan tuloy kai ng ibang tao dito sa airport -__-
Habang nasa biyahe, nagtsismisan nang nagtsismisan lang kami ni gandang insan. Di pa rin kumukupas ang ganda niya.
For about five years na nawala ako, masyado na akong maraming na-miss na mga nangyari sa kaibigan ko. Napag-alaman ko na nag-break sila Cindy at Rusty oppa. Pero napag-usapan nila 'yun kaya cool off nalang daw muna, 'wag nalang yung break. Kesyo hindi raw nila kaya na maghiwalay sila. Parang sila na hindi sila. Wala na silang relationship gaya nang dati pero alam ng isa na pagmamay-ari niya ang puso ng isa. Aaaae :")
“At ito pa ang malupit! Sila na ngayon ulit. Akalin mo 'yun Thae, 2 years silang cool off. Wala eh, sila na talaga hahaha. Sabi ko nga sa kanila, magpakasal na sila pero ayaw”
“Ha? Bakit naman daw po ayaw nila?”
Yun na eh. Perfect na.
“Wala eh. 'Yan tayo eh hahaha” sagot ni Ate Cherish at hinampas pa ko sa braso. Napatawa na rin lang ako. Eh sila nga ni insan hanggang ngayon hindi pa rin nakasal. Sa sobrang gandang relationship nila parag mag-asawa na talaga sila at maganda pa ang relationship ng pamilya nila. Oh saan ka pa?
Sa kwentuhan naming lahat sa sasakyan, namalayan ko nalang na papasok na pala kami sa bahay namin. Ang dati naming bahay. Di ko alam pero grabe ang tibok ng puso ko. Is it because of excitement? or memories na mga naiwan dito. Bumaba kami ng sasakyan at sumalubong sa amin ang mga maid at iba pang taga pag-alaga ng bahay.
Ever since di nila kami iniwan ni kuya Ty at sila na ang nag-alaga at nag-maintain nitong bahay. Malaki talaga ang utang na loob namin sa kanila. Iisa-isa nila kami kinamusta. They're like our guardian.
Pagkapasok nang pagkapasok namin sa bahay dumiretso agad kami ng dining room. Wow! Na miss ko lahat to. Filipino foods *0*
“Matagal na akong di nakatikim ng pinakbet. Thank you po” sabi ni Kuya Ty.
Siyempre nilantakan namin ng ang mga pagkain sa mesa. Grabe lang, di kaya tumaba ako nito? Well I don't give a damn. I just love foods ^^ sige lang Thaeia, kain lang nang kain.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...