Chapter 65-- Why?

2.4K 56 2
                                    

Chapter Sixty-five-- Why?

Point of View
-Thaeia Ys Lee-

Tumigil muna ako sa paglalakad at umupo sa ugat ng malaking puno.

Napapagod na ako. Pagod na pagod na ako shemay. Biglang tumigil si Keith sa tapat ko at nagsalita kay napatingala ako.

“Hey, pagod ka na ba?”

“Oo. Mauna na kayo. Dito muna ako, susunod nalang ako Keith.” sabi ko sa kanya. May signs naman na dadaanan kaya, keribels ko nang mag-isa.

He just shrugged, umilig nang ilang beses at umupo sa tabi ko. Ako naman isinistretch ang paa ko para marelax. Curious ba kayo? Hehehe, inakyat lang naman namin ang bundok dito para mapuntahan ang water faalllss!! Yey! Kaso masakit na paa ko. Sobra sa isang oras na kami naglalakad. Kasama ko lang pala ngayon sina Red, Ands, Cinds, Keith and Drew. Siyempre my kasama kaming dalawang tour guide, mabuti nang safe at sigurado no.

“This place is so peaceful”

Napatango ako sa sinabi niya. So peaceful. Nakikita namin ang bawat paggalaw ng mga dahon ng puno, ang awit ng mga ibon and the light ambiance. Matagal-tagal na ring hindi ako nakaramdam nang ganitong feeling.

“I have something to tell you” seryosong sabi ni Keith at nilingon ako.

Kumunot ang noo ko at tinanong ko siya “Ano naman 'yun?”

He looks so serious. Wait, kinakabahan ako sa sabihin niya. Don't tell me babalik na naman tayo sa...?

“Maayos na kami ng pamilya ko Thae”

Aaaaaaaw..Napangiti naman ako ng malawak! OA sa pagdecribe haha.

“Really? That's good!”

Noong iniwan ko kasi siya dati may problem siya sa family niya eh. Lalong-lalo na sa parents niya. Knowing Keith, hindi magpapatalo 'yan. Alam niya kung nasa tama siya pero marunong naman humingi ng tawad kapag nasa mali siya.

“Thank you Thae”

“Huh? Bakit naman?”

“For made me realize how stupid I am before”

“Mwo?! Ano ba ang sinabi ko sa'yo, sungit? Kahit kailan di kita sinabihan o whatever chuchu na stupid ka no!”

Di nga? Haaalaaa saan banda? Ba't di ko natandaan nasabihan ko siya ng stupid? T_T

“Relax haha. Salamat dahil ikaw ang dahilan kung bakit malapit na ang loob ko sa mga magulang ko ngayon. Iyong mga sinabi mo sa akin noon Thae at last na nating pagkikita. Komawo” ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

Yun lang naman pala.

Niyakap ko nalang siya at binigyan nang mahinang tapik sa likod.“Wala 'yun no. Nandito lang ako palagi sa tabi mo Keith. Kung kailangan mo ng tulong dito lang ako.”

Pagkatapos kong magsalita ay bigla nalang ako nagulat. Hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni Keith pabalik. “Oo naman. Inaasahan talaga kita.Hindi rin kita iiwan, dito lang ako sa tabi pag may problema ka. At sana 'wag ka nang lalayo sa tabi ko. Naintindihan mo ba 'yun makulit na bata? Ha?”

“Oo sungit psh” kumalas ako sa yakap at tumayo.

Aba ang loko tinaas pa ang dalawang kamay para patayuin ko siya. Ang bigat kaya nito. Pero at the end, wala naman akong may nagawa tinulungan ko pa rin siya. 'Yan ang pagkakaibigan kahit marami ka pang reklamo pero at the end tutulungan mo pa rin siya dahil mahal mo siya at hindi mo kayang hayaan siyang mag-isa.

Sabay na kami ni Keith pumunta doon sa sinasabi nilang falls.

Mula dito sa kinatatayuan namin naririnig ko na ang agos ng tubig. Holo! Mas naeexcite tuloy ako!

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon