Chapter 67-- That Girl

2.8K 57 2
                                    

Chapter Sixty-seven-- That Girl

(A/N:  O sige na nga, ipag po-point of view ko na si Seth hohoho! Last three chapters, epilogue na wooooooo!)

Point of View
-Seth Dee-

“Oh tol, sama ka? Night-out natin ngayon” bungad sa akin ni Xander dito sa kwarto ko.

Di ako sumagot. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinarang ko ang kanang braso ko sa mukha ko.

“Last na kaya natin dito. Lubus-lubusin natin to no” dagdag pa ni Rusty.

Tsk. Tinatamad ako atsaka masama pa ang pakiramdam ko. Ewan ko, palagi nalang ako dinadalaw ng mga panaginip at sumasakit ang ulo ko.

Nakapagpa check-up naman ako sa doctor sabi nila may amnesia raw ako. Alam ko na 'yun, matagal na.

Pero ang hindi ko maiintindihan na may mga pangyayari pa rin na pabalik-balik sa isipan ko. Wala naman akong natatandaan na may kaibigan akong babae at lalaki. Pati na rin yung mga adults na pumapasok sa isip ko.

Palagi nalang sila nakangiti sa akin.

Sa pagkakaalam ko, wala namang may sinabi ang mga magulang ko o mga pamilya ko na may kaibigan ako noon when I was in elementary. Wala talaga eh. Yes tahimik akong tao at medyo suplado at siguradong-sigurado akong hindi ako nakikipag-kaibigan sa kung sino-sino lang.

“Hoy!“

Sinipa ko si Grey. Bwisit to, ginugulat ako -__-

“Ayos ka lang? Di ka na nakasagot jan?!”

Kita mo to kalaking tao ang OA.

“Ang bakla mo” sabi ko. Di ko na talaga alam ang nangyayari sa akin, parang ayaw kong gumalaw ngayon, tamad din akong magsalita. Stressed? Oo. Frustrated? Oo. Disappointed? Oo. Ewan ko, nakakagago na.

“Lul! Bahala ka nga sa buhay mo, sumunod ka nalang kong gusto mo” Grey.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Tahimik na ah.

Akala ko lumabas na silang dalawa sa kwarto pero hindi pa pala.

“Anong problema?” tanong sa akin ni Xander.

Nakadapa pa rin ako dito sa kama ko at patuloy na humihinga. Nahihirapang huminga.

“Wala” sagot ko.

“Oh come on Seth. Ngayon ka pa ba magtatago sa akin? Eh para saan pa ang mahigit limang taon na pinagsamahan natin”

Napa-upo ako nang diretso sa kama ko. Sumandal ako sa headboard at hinarap si Xander. Nakatayo siya sa harap ko, sa dulo ng kama at nakahalukipkip.

“Mahal ko si Thaeia” diretso kong sagot.

“ANO?!” nanlaki pa ang mga mata niya at nagulat sa sinabi ko. Napakamo nalang ako sa ulo. Tsk.

“Tae, seryoso ka tol?” sagot niya. Lumapit pa siya sa akin at inalog-alog ako. Naiirita kong kinuha ang dalawang kamay niya sa balikat ko at sinamaan ko siya ng tingin.

“Tss” inis kong ginulo ang buhok ko.

“Hahaha alam namin Seth, matagal na. Hindi ka kasi halata”

Dinampot ko ang isang unan sa bandang kanan ko at binato sa kanya. Malas di natamaan.

“T-teka nga... Di ba may annulment papers na?” paninigurado nitong tanong sa akin. Tumango naman  ako sa kanya.

“Ano na ngayon ang gagawin mo?”

“Gusto kong aminin sa kanya. Gustong-gusto pero mukha yatang…”

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon