Chapter 45-- Sino yun?

2.4K 49 0
                                    

Chapter Forty-five-- Sino yun?

Point of View

-Thaeia Ys Lee-

Time flies so fast.. At ngayon December na. Malapit na rin matapos ang first sem namin. Actually mga two weeks na nga lang eh.

“Hey”

Napatingin ako sa kanya. Seth.

Di ko alam kung ano na ang mga nangyayari sa kanya. Madalas kasi may katawagan siya sa phone. Tapos kahit saan magpunta dala-dala ang cellphone. One time nga nag sleep-over na naman ang mga kaibigan namin dito.Mga 1:00 am na yun gising pa kami kasi uminom na naman sila tapos nagke-kwentuhan kami, tapos biglang nag-ring cp niya. Sinagot naman niya at nag-excuse matapos ang isa o dalawang oras di pa rin siya bumabalik kaya nagstart na kaming mag-alala sa kanya. Hinanap namin siya. Natagpuan namin siya sa pool na may kausap sa phone pa rin, masayang-masaya nga siya nun eh. Akala ko naman kung napano na kasi baka tinamaan na siya ng alak yun pala may katawagan lang. At simula nun may kausap na siya palagi sa phone niya. Di ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya...

“Aray naman Seth!” para saan ang batok na 'yun?

“Kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman nakikinig”

Napangiti ako. “Tampo ka na niyan?”

“...........”

“Hahaha. May iniisip lang kasi ako”

“Sino naman iniisip mo?” biglang nag-seryoso ang mukha niya. Bipolar tong lalakeng to -____-

“Secret ^^”

“Aba! Di mo sasabihin?”

“Secret nga diba”

“Sasabihin mo o hahalikan kita?”

O//////////O

“Bakit ba big deal sa'yo yun ah?!” ayan na napasigaw na ako! Seth naman eh -//////-

“Sabihin mo na kasi” inilapit niya ang mukha niya sa mukha kaya feeling ko namumula na talaga ako!!!

“I-ikaw!” iniwas ko ang mukha ko. Tigilan mo ko Seth, baka mahalikan kita!

“Nice” ngumiti naman siya sakin.

Jusko ko wag kang ngumiti! Naiinlove lalo ako sa'yo psh.

“Aaaah! Yung assignment na binigay ko sa'yo. Ngayon na pala ang deadline nun”

“Mwo?!?!?! Bakit ngayon? Pwedeng next time nalang?”

“Di pwede. Diba sabi ko, walang exact deadline diba? Kung kailan ko yun maalala yun na yun ang deadline.”

TT___________________TT alam ko na namang tumugtog kaya lang di ako sure kung tama ba o baka magkamali ako. Mapahiya ako...

“Sige na Thae. Gusto ko nang marinig eh.”

“Seth pwedeng next time nalang?”

“Di pwede. Ngayon na”

Wala na akong may nagawa! Siya na ang kumuha ng gitara ko.

Kahit mahangin at malamig dito sa veranda feeling ko pinagpapawisan ako. Tinuturuan niya naman ako kaso lang iba pa rin kung papanuorin niya lang ako, tapos magkamali ako tapos pagtatawanan TT^TT

Bumalik lang ako sa wisyo ko nang nakita ko ang gitara sa ibabaw ng center table.

“Sige na Thae”

Tiningnan ko lang ang gitara tapos siya. Y___Y parang di ko ata kaya!

“Please. Gusto kong malaman kung gaano ang natutinan mo sa akin.”

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon