Chapter 60-- Jealous

3.8K 51 1
                                    

(A/N: Hohoho! May Chapter 60 pa! ^__^)

Chapter Sixty-- Jealous

Point of View

-Seth Dee-

3:00 am.

Alas-tres na ng umaga pero di pa rin ako maka-tulog. Kung anu-anog pwesto na ang ginawa ko nagpagulong-gulog na ako pero di umobra. Ganito ba talaga ang katindi ang epekto mo sa'kin Thaeia Ys Lee?

Naibato ko ang unan na hawak ko dahil naiinis ako dahil hindi akomaka-tulog ng maayos. Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Bumalik siya. Bumalik ulit si Thaeia.

Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Sobra--  sobra-sobra na umabot na sa punto na natatakot ako na mawala siya ulit.Napakamot ako nang ulo at nakipagtitigan sa kisame. 

“Aish!”

Bakit ba ako nagkakaganito?! Oo Seth bumalik ang asawa mo, eh ano naman ngayon? Torpe torpe mo naman.

Parang may taong kumukontrol sa isip ko at pinapatamaan ako.

“Urrgghh! Ba't di ko siya magawang kausapin kanina? The hell is wrong with you Seth?”

Nak ng! Oo na, torpe na letse ___.__

Ba't di ko nga ba magawa 'yun? Kakausapin ko lang naman siya diba? Tatanungin kung bakit siya biglaang nawala at nag-iwan ang isang sulat. P-pero bakit? Nawalan na yata ako ng dila. This is worse than I ever thought.

Hindi. Hindi hindi hindi. 'Wag mong biglain Seth baka iwan ka na naman 'yan.

“Aaaarrgh! Baliw na ako! Baliw na baliw na ako sa'yo Thaeia!!”

-----

Bumaba ako at nandatnan ko si Xander at Grey sa lobby.

“Hey! What are you two doing here?” tanong ko sa kanila habang papalapit sa pwesto nila. Ke aga-aga nandito sa condo ko.

“Uuh... dinadalaw ka?” sabi ni Xander

-___-"

“Alam niyo sinisira niyo araw ko”

“Sorry di namin alam” tiningnan ko ng masam si Xander at nagsiko-han pa ang dalawa. Nilampasan ko nalang sila at pumunta sa parking lot para pumasok sa trabaho. Kulang ang tulog ko ngayon, subukan lang talaga nila.

“Teka lang Seth!” hinabol pa talaga nila ako? Grabeng pangangamusta naman ng mga 'to sakin, tch.

“Now what?! Sinasayang niyo oras ko“

Tinawanan lang nila akong dalawa. Nahalata naman siguro nila ang matatalim na titig ko kaya napaayos sila ng tindig at huminto sa katatawa. “Eto naman si Mr. Dee, relax! Umuwi na si Thaeia oh” sabi ni Grey at tinapik ako sa braso.

“Gago. Ano ba ang kailangan niyo?” tanong ko ulit.

“Eh balita ko kasi kay Pula pupunta sila kay Thaeia ngayon na ganitong ka-aga at magba-bonding daw ang girls” sabi ni Grey, tumango din si Xander.

“Yan din sinabi ni Andrea sa akin” dagdag pa ni Xander.

So?

Tiningnan ko sila at humalakhak na parang nasisiraan ako ng bait. Oo, ako pa ang nasisiraan ng bait. “Ang hina mo naman tol! Hahahaha” sabi ni Xander na tumatawa pa.

“ 'Wag ka nalang muna pumasok sa trabaho, kami kasi hindi rin eh. Susundan namin ang mga girls”

Napatingin ako sa kanila na nakakunot ang mga noo. Susundan nila ang mga girlfriend nila? Pssh, stalker na pala sila ngayon. That creeps me out. Teka nga...

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon