CHAPTER ONE-- THE BEGINNING
Point of View
-Thaeia Ys Lee-"Hmmmm..."
Naimulat ko ang aking kaliwang mata dahil sa ingay ng aking alarm clock. Napahilamos ako ng aking mukha at nagbinat ng katawan habang nakahiga sa kama. Anong oras na ba? Napakamot ako ng ulo at tamad kong kinapa ang alarm clock na nakapatong sa side table. I turned it off and decided to continue my sleep.
Pero alam niyo yung feeling na magsisimula ka nang malunod ulit sa tulog mo nang may maliit na boses kang narinig na nagsasabing, 'Hoy Theaia. Gising na. Pagluluto mo pa ang asawa mo ng breakfast.'
"Aish! Oo na! Eto na nga!"
Tamad akong bumangon mula sa kama at sinuot ang tsinelas ko. Lutang ako na lumapit sa bintana ng kwarto ko at sinilip sa likod ng kurtina kung ano na ang nangyayari sa labas. My eyes slowly adjusted from the blue sky and city lights. Mabuti nalang at hindi pa naman nagpapakita ang araw ngayon kaya hindi sumakit ang mata ko sa liwanag. Ibinalik ko ang kurtina sa orihinal niyang posisyon at saka lumapit sa aking dressing table para kumuha ng pantali sa buhok. I wore my glasses at saka lumabas na ng room ko.
Walang ingay akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina para maghanda ng breakfast. Nagbukas ako ng ref at tumingin tungin na pwedeng lutuin.
Ano kaya ang magandang lutuin?
Napatingin ako sa mga itlog na nakalagay sa egg tray kaya kumuha ako ng tatlo. Gagawa nalang siguro ako ng omelette. Wala naman sigurong tao na ayaw kumain ng itlog diba? Unless kapag my allergy ka sa itlog o may dahilan na huwag kumain nito. Tingin niyo, ano ba ang pinaglalaban ko sa buhay?
Iniisa-isa kung hiniwa ang mga ingredients para sa omelette na lulutuin ko. HIndi ko alam pero bigla nalang ako napapangiti sa ginawagawa ko at biglang naalala ang parents ko na pumanaw na sa kabilang buhay. kinuha ko ang kursong culinary arts dahil sa mga parents ko. Hindi naman sa pagmamayabang but my mother and father are well-known chef internationally. Restaurant is our family business and marami ang tumatangkilik sa family business namin kahit pumunta ka pa ng ibang bansa.
Simula noong namatay si mommy at daddy iyong kakambal ko na ang nagma-manage ng business namin kahit mas magaling pa iyon magluto sa akin. They passed away because of a car accident. Kahit sabihin man ng mga tao na cliche masyado ang takbo ng buhay namin ng kambal ko at ng pamilya ko pero kapag nasa sitwasyon ka na, mararamdaman mo rin ang sakit. Walang cliche sa kwento ng buhay. At ngayon, kinuha ko ang course na 'to para ako mismo ang magluluto para sa resto namin. Oh diba? May taga-pamahala na at may taga-pagluto pa.
Napangiti ako nang natapos ko na ang omelette at perpekto pa ang pagkakaluto ko nito. Dadagdagan ko nalang sigro to ng fried rice at saka bacons.
Pagkatapos kong lutuin ang lahat niligpit ko ang mga kalat ko at hinugasan ang mga nagamit ko para naman malinis ulit ang kusina namin. Pareho namin kasing ayaw ni Seth my loves ng maruming bahay.
Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos kong gawin lahat para naman makapaghanda na rin ako sa pagpasok. NIligpit ko muna ang higaan ko at ang mga kalat-kalat na papel at mga gamit ko sa sahig bago pumasok ng banyo para maligo. Pagkatapos kong gawin ang mga morning rituals ko ay nagbihis na rin ako ng simpleng damit lang para sa pagpasok ko. Kumuha ako ng sneakers sa walk-in closet ko at iyon ang sinuot kong sapatos. Madami-dami akong pares ng sapatos dito lalong-lalo na tennis at saka sneakers dahil sa hilig ko. Ewan ko ba, mas komportable lang talaga ako siguro sa mga ganito and every birthday ko halos lahat ng mga regalo sa akin ni Thaeio sneakers kaya love na love ko iyang twin brother ko. Thaeio Yd Lee pala ang pangalan 'nun. Tawag ko sa kanya kuya Ty kasi mas nauna siyang ipinanganak sa akin at nauna rin naman siyang mag-aral kasi sobrang talino 'nun hahaha.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...