Chapter 62-- Guardian

3.1K 57 1
                                    

Chapter 62-- Guardian

Point of View

-Thaeia Ys Lee-

Nagkakatitigan kaming dalawa. Hinahanap ko sa mga mata niya kung seryoso ba siya at mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil seryoso rin siyang nakatingin sa'kin.

Weeeh? Kanina inaaway ako nito, ngayon makikipag-usap na? Baka naman away ulit 'to?

Dahil nga wala namang masama makipag-usap sa tao nag-nod ako sa kaya at naunang lumabas sa bahay nila Andi. Umupo ako sa stairs dito sa facade nila at kaharap namin ang landscape kung saan may lawn at umupo ako kanina. Remember?

“Uhmm…”

Nang naramdaman kung umupo siya sa tabi ko and I'm thankful na may distance sa pagitan namin dahil baka bigla ako nitong taong 'to sakalin. Dehado naman ako doon,  atleast maka-ready man lang diba?

Haha joke lang. Mabuti ng may distance. Ano siya feeling close? Lol

I clear my thoroat and trying to be serious. Awkward naman nito hahaha. “Anong pag-uusapan natin?”

“Sorry nga pala kanina.. Sa nagawa ko” napatingin ako sa kanya.

Weeeeeeh? Di ngaaa? Aaaaaas in??

“Staring is rude you know” taray.

Paano niya naman malalaman na nakatingin ako sa kanya, eh nakatingin naman siya sa mga bulaklak sa harapan namin.

Thaeia, peripheral vision. Utak naman.

Aaaaah oo nga no?

“Ah ayus lang hehe. Nainis nga ako sa'yo kanina eh. Pero I understand, hindi mo naman ako kilala tsaka di kita kilala”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ningitian ko lang din siya.

'Di ako plastic kaya sinabi ko sa kanyang naiinis ako kanina eh tutal pinaguusapan din naman natin 'to. Ang pangit kaya sa feelig na kunware naging magkaibigan na kami ni Drew pagkatapos sasabihin ko sa kanya na naiinis ako sa kanya noong una kaming nagkita. Ano mafi-feel mo?

Teka, ano na naman ba ang pinaglalaban ko?!

“Hoy!” naramdaman ko ang pitik niya sa noo ko.

“Aray! Ba't mo ginawa 'yun?”

“Sorry, natulala ka nalang bigla. Alam mo mayroon akong hindi maintindihan.”

Oi nago-open tipic ang lolo niyo. Sige nga...

“Ano naman 'yun?”

“Malaking problema 'to eh.”

“ 'Wag ka nang mahiya. Sige friends na tayo para hindi ka na mahiya sa'kin ano ba 'yun?”

Tumahimik muna siya nang ilang sandali. Hayaan niyo na, may pinaghuhugutan 'yung tao naaaaaaksss!

“Ganoon ba talaga ako ka-gwapo para matulala ang mga babae sa'kin? You know, this isn't the first time na may mga babaeg natutulala sa kagwapuhan ko.”

……………

Spell Yolanda?

“Friendship over. Sabi ko nga, wala kang hiya sa katawan” inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.

Tseee! Di ako tatawa. Kahit pigil na pigil na ako.

Tumingala nalang ako sa kalangitan habang pinipigilan ang tawa ko.Nagku-kulay orange na at may halong pink at violet ang langit. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa and I take a shot.

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon