Chapter forty-seven-- Cold
Point of View
-Seth Dee-
Nandito kami Thaeia sa lobby. Hinihintay ang mga kaibigan namin.
"Thae gusto mo munang kumain?"
Umiling lang siya at nilalaro ang cellphone niya.
Mula kahapon di ako pinapansin ni Thaeia. Parang bumalik sa dati. Hindi ko na alam, feeling ko umiiwas siya sa'kin.
Nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at binuksan ang message.
Good morning Seth
Si Kaye pala. Di ko na alam ang nararamdaman ko. Naguguluhan na ako. Noong una mahal ko si Kaye pero ngayon di ko na alam. Parang tingin ko nalang sa kanya ngayon, kaibigan... Awa? God, I don't know what to do.
Nung christmas di ako nakapag-Christmas kasama si Thaeia. Nagkita kasi kami ni Kaye umuwi siya ng Pilipinas, biglaan nga eh. Di naman ako makatanggi sa kanya kasi kinukulit niya ako sa email ko.
Tapos ayun nga nag I love you siya sakin. Pero noong mga oras na yun, ang tingin ko lang talaga sa kanya ay isang kaibigan. Mahal ko siya bilang kaibigan at ang nasa isip ko lang nun ay si Thaeia.
Thaeia, Thaeia, Thaeia, Thaeia...
Mga 2 am na ako naka-uwi nun sa condo. At 12 pm na rin ako nagising. Pagkagising ko hinanap ko si Thaeia pero wala siya sa condo. Nag-iwan lang siya ng note sa ref na pupunta raw siya sa bahay ng kaklase niya. Malamang di sa bahay ng mga kaibigan niya. After nun nagulat nalang ako na ang daming pagkain sa ref. Kaya naguilty ako. I assume na nagluto siya ng pagkain for Cgristmas.
Buong araw din ako nun na-konsensya dahil di ako nakapag-celebrate ng Christmas kasama siya. Tutal Christmas pa din naman naghanda ako ng dinner. Ilang beses ko siyang tinext na umuwi ng maaga para makapag-dinner kami pero ni isa walang reply, di ko rin siya ma-contact. Umuwi na siya mga past 11 na ng gabi. Sabi niya wala na raw siyang battery, dumiretso lang siya sa kwarto niya at ngayon lang kami nagkasama. Ewan ko ba, feeling ko isang linggo kami di nagkikita. Oo inaamin ko, namimiss ko si Thaeia.
Iningat ko ag ulo ko at nagulat ako na nasa harapan ko na pala sila Xander, Red at Andrea.
"Masyadong malalim ang iniisip mo ah" sabi ni Xander
"Tara na, 5 am na oh" aya ni Red. Umakto pa ito na tumitingin&tintin sa wrist watch niya kaya tumayo ako.
"Nasan na si Thaeia?" tanong ko sa kanila.
"Nandun na. Nauna na siya sa labas" sagot ni Andrea.
Dinala ko na ang bag ko at lumabas na.
Innova nila Grey ang dala namin. Halatang pina- customize nga eh. Mas malaki kesa sa pangkaraniwang sasakyan.
Pumasok ako sa van. Balak ko pa nga sanang tumabi kay Thaeia kaso katabi na niya si Keith sa huling pwesto sa likod.
“Dito nalang ako sa front seat" sabi ko at napaiwas ako ng tingin sagawi nila.
Pumunta ako sa harap at dun na naupo katabi ng drber namin, si Rusty.
"Bro ayos ka lang diyan?" tanong niya sabakin.
Pinikit ko ang nga mata ko at napahawak sa sentido ko.Tinanguan ko lang si Rusty.Nababadtrip ako ngayon. Makatulog na nga lang.
Point of View
-Thaeia Ys Lee-
Pasalamat na lang ako kay Keith na tinabihan niya ako dito.
Mga nasa 20 minutes na rin siguro ang byahe. Si Grey at Red nagbabangayan pa. Buhay na buhay ang dugo. Si Cindy at Rusty ang sweet-sweet kahit na nagda-drive si Rusty. Nilalanggan na nga kaming lahat, si Andrea at Xander naman nagse-selfie. Yaan niyo na hahaha adik ang mga yan sa picture-picture.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanficSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...