Chapter 22-- Epic Fail

4.1K 83 1
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO-- Epic Fail

Point of View

-Seth Dee-

Siguro nga tama na 'to. Nakikita kong nasasaktan ko na talaga siya. At grabe na ang pagpapahirap ang ginagawa ko sa kanya. Wala namang magagawa ang galit ko. Nagi-guilty na ako sa mga pang gag*hang nagawa ko kay Thaeia.

Binuhat ko siya at pinasok sa kwarto niya. Parang ang sarap sa pakiramdam nang niyakap niya ako kanina.

"Salamat"

"Nice room huh"

Ang ganda ng kwarto niya.. Organisado lahat, malinis, mabango at may malaking bookshelf kung saan punung-puno ito ng mga libro.

Malaki din ang kama niya..

"Bakit maliit lang ang bukas ng kurtina mo?"

"Nakakasilaw kasi. Masakit sa mata. Lalong lumiliit ang mata ko.  Nagising pala ako kanina dahil sa sikat ng araw sa kwarto mo"

"Aaaah dapat binubuksan mo to."

Binuksan ko ng medyo malaki ang malaking kurtina niya.

"Mainit Seth! Nasisilaw ako"

"Paano ka lalakas niyan kung hindi ka nagpapa-araw. Kaya pala para kang mustasa. Ang puti-puti mo"

"Is that a complement?"

"Ewan" Tama nga naman. Sobrang puti niya. Siguro pinaglihi to ng mommy niya sa sabon na powder. O di kaya sa harina? or sa mustasa? or sa--

"Hello Seeth??? Korean po ako. Natural na sa amin ang maputi ang balat. Bakit ikaw, half-korean, half-chinese ka naman ah"

"Pero hindi katulad sa'yo. Sakin katataman lang kulay. Hidi kayumanggi, oo maputi nga pero sakto lang. Ikaw na sobrahan"

=________=++ --> mukha niya

=________=++ --> mukha ko

*Grrrrruuuuuuukk*

"Hahahahahahahahaha What was that?! hahahaha"

Alam ko naman eh. Tunog ng tiyan niya.

"Sige lang. Pagtawanan mo pa ako >.<" "

Cute :)

Point of View

-Seth Dee-

"Uy. Natahimik ka ? Nagugutom na ako"

"Ah ganun ba. Teka lang magluluto lang ako" aakma pa sana siyang tatayo pero pinigilan ko siya.

“Ako na”

"Nagluluto ka??"

Hindi. Never pa akong nagluto.

"O-oo naman"

Let's try. After all, there's no harm in trying.

Lumabas ako ng room niya at pumunta sa kitchen. Hindi pa din pala ako nakapag-breakfast. At alas-otso na pala.

Naganap ako ng pagkain sa ref.

Ano kaya ang gusto niya?

"Pwede na siguro to"

Bacon, Egg at Pancake yung lulutuin ko.

"Ok. Wala ng atarasan to Seth. This is it"

Inuna kung lutuin ang pancake.

Sinunod ko lang naman ang nasa instructions.

"Bakit ganito?? Bakit? Ang basa naman yata?"

Diba pagnaluto to, parang magiging cake or tinapay? .. Eh bakit ang basa naman yata. Parang tubig na yung ginawa ko eh. Kulay yellow na tubig. Mali yata ang nasa instruction eh =___= Nasobrahan sa tubig.

Baka siguro ganito lang talaga to? Aish

Inilagay ko na ang ginawa ko sa non-stick frying pan na may oil. Mas maganda kapag non-stick gamitin ko. Baka mahirapan pa ako kapag hindi non-stick gamitin ko eh.

Naka kunot-lang ang noo ko habang tinitingnan ang pancake.

Bakit basa pa rin ang nasa itaas kanina pa to ah. Grabe na occupy ng pancake ang space sa frying pan. Inilagay ko kasi lahat. Yung bowl? wala ng laman. Ubos..

Nags-smoke na ang frying pan. Oh bakit hindi pa din na luluto ang sa itaas na part? Subulan ko kayang tinganan ang nasa ilalim..

Binaliktad ko ang pancake..

"Oh damn. Dam ng Angat =_____="

Sunog. Sunog na sunog... Now paano ko to so-solusyunan?

"Haaaaay pwede na 'to. Sana kainin niya"

Ang masasabi ko lang sa ginawa ko. EPIC FAIL -___-

Dinala ko lahat-lahat na niluto ko sa kwarto niya.. Nagdala din ako ng pinggan niya at lahat-lahat ng mga eating utensils.. Pati na din sa akin. Sasabayan ko siyang kumain..

I know this is not me.. Nagsorry ako kanina. At ngayon,nag-aalaga ako ng isang taong may sakit. Plus nagluto pa ng breakfast. Okay What the hell is happening to me?!

"Sorry natagalan ako. Isuot mo muna yung eyeglass mo"

Sinuot namn niya..

Pwede ang wag ka na lang mag-eyeglass?

Inilagay ko ang tray sa harapan niya. Naka-upo siya sa kama niya..

O^O???????

Biglang lumaki ang mga maliliit niyang mata. Cute :)

Ano yun? May sinabi ako? Erase erase!!

-----

Point of View

-Thaeia Ys Lee-

O^O???????

Whaaaaaaaat is diiiisssss?!?!?! My Gulay!!

"Sobrang laki naman ng pancake na'to? Pero maganda"

May frosting siya sa itaas. Maraming-maraming frosting at may strawberry. Yung pancake talaga sobra sa laki. Mataba na malapad na malaki yung shape. seriously? Na kaya niyang lutuin to?

"Pasensya naman. Inilagay ko lahat ng laman sa frying pan. Tikman mo na"

Aaaaah ganun ba yun? Maka-bagong style ng pagluluto ng pancake?  Ginamit ko ang bread knife at fork.

Wow naman. Paghati ko ng pancake yung sa loob may basa pang part. XD kekeke

"Pffft.. Ehem. Ok may surprise siya sa loob. Pfft May fillings.. Ehem"

"Pinipigilan mong tumawa eh"

"Hindi ah.. Masarap. Masarap siya. Pero may natitikman akong mapait"

"Talaga??"

"Unli? Hahaha Oo nga ^___^ "

"Oh eto namang bacon oh"

Uhhmmm. Ok. Naghalo yung red na brown na may black sa dulo. Rainbow na bacon?

Tinikman ko

"Wow ha. Crispy! hahahahaha"

"Pangit ng lasa?"

"Yung iba oo. Yung iba maalat hahaha. Yaan muna. Pwede pa namang makain eh"

:'3

Aaawwwww nagpout si Seth. Hahaha ang cute. Lalo akong naiinlove eh. *kamot sa ulo*

>/////<

"Yung scrambled egg? Ok lang ba?

"Pwede na din hahahaha"

"Lahat nalang pwede na din :3 "

"Hahahahaha"

Kahit epic fail ang luto niya. Kakainin ko pa rin..

Everything has it's own reason. Siguro kaya nagkasakit ako para magkabati kami ni Seth... Ang saya ko ngayon.. Sana mas maging maayos pa ang relasyon namin ni Seth..

**************

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon