Chapter 18-- The Good Smaritan.. Char! :D

4.1K 84 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN-- The Good Samaritan.. Char! :D

Point of View

-Thaeia Ys Lee-

"Class before ko kayo  i-dismissed gusto ko ng mga representative na maglilinis ng room. Napansin ko na madumi ang classroom ko"

Nag-taas ako ng kamay. Siyempre mabait at masunurin akong estudyante ^__^

Ay lima lang kaming nagvolunteer.

Siniko ko si Keith.. Ano pa nga ba?? Eh di katabi ko na naman siya. Sa ibang subjects nga eh, mga kaibigan ko at seatmates ko pinapaalis niya. May topak siguro to?!

"Ano? Mag-volunteer ka na!"

"May importanteng gagawin ako"

"Ah ganun ba? Sige :) "

"Maunna akong umuwi. Ngayon ang dating ng pinsan ko galing ibang bansa. Ako ang susundo sa kanya sa airport"

"Ok ^__^ "

"Ok. Plus points sa maglilinis. Class dismissed" Yes may plus points eto talaga ang gusto ko tuwing magvo-volunteer ako, may plus points :) Parang highschool lang eh no? hahaha

Umalis na silang lahat at kami nalang ang limang natira..

After ng ilang minutes.. Umalis na din kami sa room pero nagkahiwalay-walay na..

Naku 5:30 pm na pala.

Binilisan ko ang paglalakad ko.

"Miss Lee??"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Hello po Sir Eires ^__^ "

Siya si Sir Eires teacher ko sa English

"Thaeia pwedeng favor?? pwede mo ba tong ihatid sa school's admin. Sa Financing Section. Kailangan na yan kasi ngayon eh. Hindi ko yan maihahatid ngayon kasi may emergency meeting kami at ikaw ang pinagkakatiwalaan kong estudyante."

"Ay sige po"

Kinuha ko yung mga papeles kay Sir Eires. Bigat men -___-

"Thank you talaga Thaeia. Sige una na ako"

"Walng anuman po"

Umalis na ako sa building namin at pumunta ng school's administration. Dito din ang school lobby namin.

Ang sakit na ng paa ko. Nakakangalay sa kamay..  -__- Ikaw kasi Thaeia eh! Sobrang bait mo naman.

"Hoo.. hoo.. hoo.."

Hinihingal pa ako ng inilipag ang ma papeles sa mesa. Pawis na pawis ako. Ang init-init kasi. Ang lakas ng aircon pero pinagpapawisan pa rin ako.

"Good afternoon ma'am. May pinadala po si Sir Eires sa akin"

"Ah ok. Pakisulat nalang ng pangalan mo dito. At pangalan nang nagpadala nito. Aasikuhin nalang to"

Nagsulat ako with matching pirma pirma pa.

"Ayan"

"Thank you"

"You're Welcome po" ^__^

Habang palabas ako ng lobby..Napansin ko ang janitor marami siyang dala.

"Ay tulungan ko na po kayo"

Matanda na kasi siya. Kawawa naman si lolo :( Dapat inaalagaan ang mga matatanda hindi pinapatrabaho.

"Ay wag na ho ma'am. Kaya ko na"

"Lolo, tulungan ko na po kayo. Pauwi na din naman po ako eh. At wag niyo po akong tawagin na ma'am. Thaeia nalang po. Dapat kaming mga estudyante ang nagbibigay-galang sa inyo kasi kayo po ang nakakaantanda"

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon