Chapter Thirty-Eight-- The Confrontation
Point of View
-Keith Chrsyler Kim-
10 am ng umaga. Pauwi naman kami ngayon at nakapagbreakfast na din. Sa mga dinadaan lang namin ako nakatingin. Sa madaling salita sa labas ng sasakyan at naka-earphones.
Muli na namang nagplay sa utak ko ng nangyari kagabi.
Flashback
Keith's POV
Napagdesisyunan nilang maginuman game na game din ang mga babae. Mga babae nga naman tsk tsk
Nakapagpalit na kami lahat ng damit at nandito na kami ngayon sa taas. Sa veranda.
Ang mga babae nagpasya na magluluto ng pulutan at kaming mga lalake naiwan sa veranda.
“Excuse me, punta lang ako ng kwarto”
“Yeah sure” sagot naman ni Rusty
Tumayo ako sa kinauupuan ko at puminta ng guest room. Dito daw kaming matutulog na tatlo.
Humiga ako sa kama at sinulit ko muna ang time. Sayang wifi eh!
Nagfb lang ako. Kamustahan sa mga pinsan ganun.
May facebook kaya si Thaeia? Ma isearch nga
Thaeia Ys Lee
“Meron nga!“
Dumapa ako sa kama at binuksan ko yun.
Yung profile pic niya babaeng hawak-hawak ang isang camera. Natabunan ang mukha ng babae dahil sa camera. And I believe siya to.
Hmmmm. Ma i-screenshot nga. Kinuha ko ang lahat ng mga pictures niya. Di niya picture na as in siya, yung mga captures niya. Ang gaganda.
Soooo she loves photography that much huh? Ba't naman kaya gusto niyang maging chef??
“Hey dude!” lumingon ako.
Si Grey lang pala. Pumasok siya sa loob at may kinuha sa bag niya.
“Tara na sa labas”
“Ah sige susunod ako”
“Ok. Sabi mo eh” lumabas din siya ng guest room.
Pumunta ako sa mga posts niya.
Hmmm... Puro mga greetings lang naman. Tapos madami din ang nagpo-post sa wall niya. I think mga pamilya niya to. Korean ang mga nakasulat eh.
Tumayo ako at pumunta sa labas.
Nakita ko na may mga pulutan na sa mesa. Sa Thaeia naman na ka tayo lang tinitingnan sila. Nakasandal sa pintuan nakapajama na at t-shirt.
“Ayaw mong uminom?”
“Ayaw ko :3 ” tsk. Ba't ba ang cute neto?
“Mabuti na--” pakiulit nga ng sinabi ko?
“Oi! Hahaha natulala ka jan?!” sapak niya sa braso ko. Aba nakakarami na ah.
“Ah wala. Mabuti naman” sagot ko.
So ayon nga ang nangyari. Merong kaming game. Mga babae talaga oh. Si Thaeia naman nakikitawa lang at nakikipagkwentuhan din.
“Guys! Ang tawag sa game natin ay.... Concentration game” Andi
“Ano na yun?” Xander
“Ok. Kailangan may number kayo. Since nine tayong lahat dapat one up to nine lang ang number. Ok number ako, two-Xander, three-Red, four-Grey, five-Cinds, six-Rusty, seven-Seth, eight-Thae and nine-Keith. Kailangan alert ha?! Naku! Wag pairalin ang pagkatanga jan! Alert dapat!” according to seating arrangement lang naman to, pinahaba pa.
“Oh? Ano naman ang consequence ng matatalo?” Cindy
“Imbis na truth or dare... Ang gagawin natin, iinom tayo ng alak one shot lang”
“Ha?!” napatingin ako sa katabi ko, kay thaeia. Bakit ba ang inosente niya sa lahat ng bagay?
“op op op! A-ah! Walang exception hehehe. Whether you like or not sasali ka Thae baby”
Tsk. Bakit ba na dapat pa siya isali? Halata namang ayaw niya sa alak. Tss...
Ilang ulit pa ang game at nataya si Thaeia.
“Oooooooooooh”
“Ayaw ko talaga niyan eh”
“Thaeia? Anong sabi ko?” andi
“Eh?? Please iba lang ipagawa niyo sakin”
“Thaeia naman. Wag kang kj.”
“Di ko talaga kaya eh. Di pa ako nakatikim niyan!” dinuruduro pa ng alak.
“Tss. Thaeia kung ayaw mong gawin yan. Eh di wag ka nalang maglaro” Red
Nabigla ako sa biglaang pagtayo ni Thaeia at umalis nga.
“Patay ka Red!” Sabi ni Red sa sarili niya. Adik.
“Haaaay o sya sya sya. Pagpatuloy na natin to” sinundan ko ng tingin si Thaeia. Ayos lang kaya yun?
Nagpatuloy kami ng laro pero nagulat kami sa biglaan pagbalik ni Thaeia. Habang humakbang siya papalapit sa amin pinupunasan niya pa ang kuha niya sa mata at nagulat kaming lahat na tinungga niya ang isang shot ng alak. Isang maliit na baso lang naman.
Sooo ayun kulitan, asaran, kwentuhan lang ang nangyari hanggang sa dalawa nalang kami ni Seth natira sa veranda.
Di na kasi nila kinaya ang alak. Mga babae pa rin naman yun kahit papaano. Tsk akala ko nga mga lasengga eh, di naman pala.
Wala kaming imikan ni Seth. Ako? Nakitingin lang sa buong syudad. Hini naman ako ang nag-uumpisa ng kwento eh.
“Keith”
Napatingin ako sa kanya ngunit hindi ako nagsalita.
“May gusto ka ba kay Thaeia?” nagulat ako sa tanong niya. Pero ibinalang ko ang tingin ko sa iba.
Uminom muna ako at tumingin sa buong syudad na kitang-kita mo ang lahat.
“Paano kung sasabihin ko sayong.. Oo”
“So tama nga hinala ko? Di mo ba alam na may asawa na siya?”
“Lam ko” tipid ko na sagot.
“Oh eh bakit siya pa?” tiningnan ko si Seth. Walang natitinag sa titigan naming dalawa.
“Asawa nga ba?”
“Ano--” biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.
“Kung tratuhin mo si Thaeia parang di mo siya asawa. At ngayon sasabihin mo sakin na may asawa na siya?”
Di na kasagot si Seth. Alam ko bull's eye yun. Nasaktan na siya kung nasakatan ang sa akin lang sinasabi ko lang kung paano niya tratuhin si thaeia. Hindi man sabihin sa akin ni Thaeia kung ano ang problema nila, hindi ko naman maitatanggi na malungkot si Thaeia at ang hinala ko siya ang dahilan. At mukhang tama nga ang hinala ko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko.
“Ba't naman di ko pwedeng magustuhan si Thaeia? Maganda, mabait, matalino, demure na tao, inosente, maalalahanin at magpapakumbaba sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit di niya kakilala at kaano-ano.”
Tinalikuran ko siya pero tumigil ako sa paglalakad at nagsalita.
“Oo nga at may asawa. Pero ang asawa niya, asawa din ba ang tingin sa kanya? Bakit mahal mo ba siya?? Hindi diba? Tama ako diba?” di ko na siyang hinintay sumagot at pumunta na ng guest room at natulog
End of Flashback
Oo gusto ko si Thaeia. Mahal ko na nga siya eh. Siya lang ang taong nagtiyaga sa ugali kong to. Palagi ko siyang di pinapansin sa una pero siya pa rin ang lumalapit sa akin at gustong makipagkaibigan. Siya ang naging unang kong kaibigang babae. Kahit anong mga masasakit na salita ang natatanggap niya mula sakin pero di yun ang rason kung bakit di niya pa rin ako nilalayuan. Siya lang ang nakagawa sa akin nito. Buong buhay ko.
Di mahirap mahalin si Thaeia...
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...