CHAPTER TWENTY-ONE --- Haaay sa wakas!
Point of View
-Thaeia Ys Lee-
Unti-unti kong iminulat ang mata ko... Nakakasilaw ang sinag ng araw
Umupo ako
"Aray! Huhuhu"
Biglang sumakit ang ulo ko. Feeling ko ang bigat-bigat..
Teka.. May nagbago sa kwarto ko.
Kulay puti din pero may black. Iba yung arrangement sa kwarto ko. Pero maganda siya. Atsaka yung malaking curtains, minsan ko lang to binubuksan ah?
Inikot-ikot ko ang paningin ko. Medyo malabo dahil kakagising ko pa lang pero.. may mali talaga sa kwartong to..
Bumukas ang pinto kaya naoatingin ako dun.
"Gising ka na pala"
"Seth??"
Umupo siya sa kama. Bale magkatabi kami ngayon..
"Nahimatay ka kagabi. Ano ba ang nangyari?" Bakit ganito makipag-usap si Seth sa'kin? Bakit hindi niyako sinisigawan? o pinagtataasan ng boses?
"..."
"Ano ang nangyari?"
"Naglinis ako ng room kahapon sa school. Pumunta sa school's admin para ihatid ang mga papeles na pinadala ni Sir Eires. Tinulungan ang janitor namin pagkatapos pagkalabas ko ng admin bumuhos ang malakas na ulan kaya bumalik ulit ako dun. Basang-basa ako dun. Natuyo ang damit ko sa kahihintay na tumila ang ulan. Pero hindi, lalong lumakas. Gabi na din yun kaya tinakbo ko papuntang parking lot. Siyempre nabasa ulit ako. At dahil sa katangahan ko lalong lumala ang sakit ng ulo ko dahil naka full airconditioned ang kotse ko. At ayun naka-uwi na ako dito sa bahay"
"Bakit di mo ako tinawagan? Bakit di ka humingi ng tulong?"
"Kung tatawagan ba kita, susunduin mo ba ako? Wala naman yang magagawa ang tawag ko eh. Galit ka sa akin. Abutin nalang siguro ako ng umaga dun" ngumiti ako sa kanya ng pilit. Umalis na ako sa kama niya at tumayo.
"Kasalanan ko”
"Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan"
"Sinadya kong utusan ka. Pinagtripan kita kagabi."
"Hindi mo alam na nilalagat ako kagabi. Wala kang kasalanan. Unless hiniling mo na umulan ng pagkalakas-lakas hehehe"
Tiningnan niya ako sa mata.
O______________________O
Bakit biglang nangyayakap to?!?!?!
"Sorry. Sana hindi na kita pinagtripan. Hindi sana aabot sa ganito"
"Eto naman! Akala mo mamatay na ako! hahaha pero seryoso, wala kang kasalanan Seth"
Kumalas ako sa yakap.
"Hindi ko to jacket ah??"
Kay Seth to?? O.o.?
"Sa akin yan. Pinasuot ko sa'yo kagabi. Nilalamig ka kasi. Suotin mo nalang muna"
Emegesh =) <3 <3 <3 Mga teh!! Hindi halata! Kinikilig ako =P
"Ah ganun ba. Salamat :) Uhmmm sige pasok na ako sa room ko. May class pa ako ng 10:30"
"No. Hindi ka papasok. Baka ano pa ang mangyari sa'yo dun. Wala ako sa tabi mo. Baka mahimatay ka dun. Hindi din muna ako papasok, dito lang ako sa bahay. Aalagaan kita"
T-tama ba ang narinig ko? Paki-replay nga.
Wala ako sa tabi mo. Hindi din muna ako papasok, dito lang ako sa bahay. Aalagaan kita.
Wala ako sa tabi mo. Hindi din muna ako papasok, dito lang ako sa bahay. Aalagaan kita.
Wala ako sa tabi mo. Hindi din ako papasok, dito lang ako sa bahay.Aalagaan kita.
Tiningnan ko siya sa mata. Siya naman titig na titig sa akin. Jusme, kay tagal kong pinangarap na sasabihin mo din sa akin yan Seth!
"Kurutin mo nga ako. Pwede ding sampalin o di kaya bugbugin. Joke
:D hahaha kurutin mo nga ako"
Expect ko kukurutin niya ako sa kamay.. pero sa cheeks niya ako kinurot.
"Aray naman! Mahina lang dapat!"
"Hindi mo naman sinabi"
So totoo nga ang sinabi niya?? Di ako nananaginip
"So Seth, uhmmmm... pano ba ba to?... Uhmm"
"Ano yun?"
Kanina ko pa to gustong tanungin sa kanya eh.. Kinakabahan ako. Baka masaktan ulit ako.
Hinga ng malalim. *Inhale* *Exhale*
"Ok heto na... Seth, o-ok na b-ba tayo?"
TT______TT bakit ako nauutal?!
"...."
No response
"S-sige o-ok la--" tumlikod ako sa kanya. Asa ka naman Thaeia
"Oo naman. Ok na tayo :) " napalingon agad ako. Di lang ulo pati katawan ko nag counter clockwise!
O______O Hanudaw??
"T-talaga??"
"Yes. Ok na tayo :) "
Hindi ko na pigilan ang tuwa ko. Napayakap ako sa kanya.
Kumalas agad ako
"Ay sorry hehe. Masaya lang ako. Masayang-masaya :D "
"Ok lang"
"Sige punta muna ako ng room ko ah"
Tumayo ako. Umikot ang paligid. Umikot ang paningin ko. Humakbang ako ng isa pero natumba ako. At ulit na salo ako ni Seth. Bumagsak kami sa kama.
Siya ang napailalim,ako naman ang nasa itaas.
lub-dub lub-dub lub-dub
Napalunok ako.
"Sabi ko na nga ba eh, hindi mo pa kaya. Nanghihina pa ang katawan mo. Paano nalang kung nandun ka sa school niyo at bigla kang natumba sino ang sasalo sa'yo? Halika punta tayo ng room mo"
Inalalayan niya akong tumayo at--
WTF?! Binuhat niya ako..
"Seth ang bigat ko. Alalayan mo nalang akong maglakad. Ibaba muna ako"
"No"
Dinala niya ako sa room ko.
Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at inilapag ako sa kama..
"Salamat"
Kahit masakit ang ulo ko. Kahit nagkasakit ako masaya pa din ako. Masayang-masaya dahil sa wakas bati na din kami ^__^ sakit lang pala ang makakapag-ayos sa amin.
Haaaaay sa wakas!
***********
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...