Chapter Forty-nine-- Fallen
Point of View
-Thaeia Ys Lee-
Pangatlong araw na namin dito sa bakasyon. Nandito na rin sina insan at gandang insan. Nagswimming kami, picture dito, picture doon blah blah. Sabi ko naman sa inyo mga selfiengera't selfiengero sila.
Ang saklap naman! Nakakainis na ha! Gusto kong matulog pero di ako maka-tulog. Kanina naman inaantok ako kaya napagpasyahan kong umakyat dito at magbihis ng pajamas pero nang makahiga ako nawala naman ang antok ko. What the ?
*tok tok tok*
Sino na naman to? Bumangin ako sa kama at binuksan ang pinto.
“Oh?”
“Sungit. Sabi pala nila magbihis ka raw. Bar tayo ngayon” sabi ni Keith.
“Haaaa? Kayo nalang! Sumama ka sa kanila, di ka ma o-op dun. Di na ako kailangan dun” sabi ko at ngumiti ako sa kanya ng pagkalaki-laki.
Mga addict talaga sa party-party. Lol parang ang mga Koreana't Koreano hindi ah? Of course, except me. Ewan ko ba dyan kay Keith baka nilalantakan na niya gabi-gabi ang soju sa bahay niya haha.
Tianpik-tapik ko ba ang balikat niya for encouragement.
“Alam na nila na 'yan ang sasabihim mo kaya sumama ka nalang daw, di ka nila pipilitin uminom” sabi niya.
“Sus! Takot lang ang mga yan kay insan! Hahaha pag-iisipan ko”
“Hini-”
“Ok! Sasama ako”
“Nag-isip ka pa talaga ha” sabi niya na may halong sarcasm.
“Hahaha shoo shoo shoo! Ay nga pala, sasama ka?” tanong ko. Alam niyo naman ang trip niyan sa buhay.
“Oo kasama ka eh. Walang may magbabantay dun sa'yo”
“Asus! Ma-keso ka pala Kim! (may makeso bang word? Lol) yiiee sweet mo talaga” pinalakihan ko siya ng mata habang sinasabi sakanya 'yun haha ano kaya ang itsura? Wow ha, Teya nagtanong ka pa talaga.
“May sweet bang keso? Akala ko ba chef ka” ngumiti pa talaga ng pangdemonyo sakin. Nabara na naman ako dun.
“Tse! Eh di maalat! Shoo alis na hahaha!” tinulak-tulak ko pa siya.
“Mag-lock ka ha!”
“Oo na! Ang alat mo!”
“Hihintayin ka namin sa baba” pahabol niya pa.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Tinawanan niya lang ako at umalis na.
Si Keith talaga oh. Inamin niya pala sakin na mahal niya ako. Grabe nagulat talaga ako dun nang bonggang-bongga! Ikaw ba naman sa posisyon ko? Emotera ka pa nun tapos biglang nalang umamin.
Tanggap naman daw niya atsaka hayaan ko lang siya na mahalin ako. Haaaaaay I feel sad na di ko masuklian ang pagmamahal ni Keith na binibigay sakin pero somehow thankful din ako kasi nandyan pa rin siya sa tabi ko. Kino-comfort ako, di niya ako iniiwan. Alam kong may mahahanap pa si Keith na mas hihigit pa sakin. Na mamahalin siya. Mahal ko si Keith pero bilang bestfriend lang kung hihigit man hanggang kapatid lang talaga.
Naka black tight jeans ako. Oh sexy ko na! Joke! White spaghetti yung top ko at pinatungan ko ng leather jacket na black na hanggang belly lang ang haba atsaka naka gray na boots hanggang ankle na may heels na di kataasan. Di yung pang winter boots ah! Haller?! Hahaha. Pinabayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Medyo kumulot na nga kasi naka-bun to kanina eh. Medyo humaba na rin ang bangs ko.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...