Chapter Thirty-five-- Trip lang
Point of View
-Thaeia Ys Lee-
Jusmeeeeee!!!!! Ang gulo ng bahay namin!!! Ah, condo pala! Kalat dito, kalat doon. Holy peperroni!
Nandito ako ngayon sa kusina. Nanunuod ng tv. Siyempre! Nagluluto! Kung maka-request kasi ang mga to, akala mo di mahirap mag-luto eh! Nandun silang lahat sa sala. Nagmo-movie marathon.
“Hey”
“Hey ka din!” napalingon ako sa gulat.
“Gusto mo sapak Keith?!” ako lang kaya ang mag-isa sa kusina tapos ang tahimik pa, bigla ba namang may magsalita sa likuran mo.
“Siyempre hindi. Tulungan na kita dito”
“Wag na. Dun ka nalang manuod kasama sila”
“Ok lang saken. Tulungan kita” nagkibit-balikat lang ako. Wala akong may magagawa, siya din naman ang nagiinsist eh. He just wanna help me.
Habang gumagawa ako ng dessert at siya naman sa soup. Naiopen-up ko ang topic about sa kanya.
“Keith kwento ka naman tungkol sa buhay mo”
“Boring ang buhay ko”
“Eh? Kwento ka pa”
“Nanay ko nasa ibang bansa. Tatay ko nasa ibang bansa din. Pareho silang nagta-trabaho dun pero magkaibang bansa. Minsan lang kami nagkikita-kita. Oh, ok na?”
“Yun lang??” ramdam ko kasing may hinanakit si Keith sa family niya eh. Kaya gusto ko manggaling sa kanya kung ano mang problema ang meron siya sa pamilya niya. Nandito naman ako para tulungan siya eh. Pero mukhang ayaw niya talaga magsalita about dun. Wala naman akong magagawa.
“Eh lovelife mo? Musta naman?”
“Aaaah. Yun? Lang kwenta”
“Haaaaa??? So meaning meron na?? Noon sabi mo wala pa! Ikaw ha! Akala ko ba bestfriend mo ko? Ba't di ka nagke-kwento?”
“Magulo eh” tumalikod siya sakin at pinagpatuloy ang pagluluto niya. Aba't ang kuya mo lumalablayp na! Bongga naman!
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumabi sa kanya.
“Oi di nga? Meron na?”
“Ewan ko sa'yo”
“Eto naman! Ayaw pang sabihin! Sige na! Oh ano na? Anyare?”
“Wala”
“Baka naman pa torpe-torpe ka?”
“Di no!”
“Ahahahaha di ka torpe halata ka eh”
=_______________= --> mukha niya. Pffft.
“Eh sino ba yan?”
“Ikaw”
Napalunok ako.
“Hoy Keith! Grabe ka naman pumick-up! Seryoso ako... Sino?”
“Bakit ba interesado ka? Selos ka naman?”
“Haaaaaaa! Ba't naman ako magseselos aber?”
“Tss.”
“Pero aaminin ko. Magseselos na ko nun ng konti. Eh kasi naman baka pabayaan mo na ako nu! Siyempre may mahal ka na. Tapos makakalimutan mo na ako. Di mo na ako nun papansinin”
“Wag kang mag-isip ng ganyan. Di naman mangyayari yun” ginulo niya ang buhok ko.
Napatingin ako sa kanya. Waaaaaah. Parang gusto kong maiyak! Ibig bang sabihin nun may halaga na ako para sa kanya?? Tanggap niya na ako bilang kaibigan niya. Kase all this time feel ko ako lang ang nagiisip at nagiinsists na kaibigan niya din ako.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...