Chapter 57-- Party

2.9K 66 1
                                    

Chapter Fifty-seven -- Party (Unexpected Trouble)

(A/N: Sorry po sa mga errors and typos, edit ko nalang po ulit hehe :D )

Point of View

-Thaeio Yd Lee-

“You sure natutuloy ka?” tanong ko sa kapatid ko.

“Unli ka kuya? Hahahaha oo nga sabi eh. Nandito na nga tayo saka pa ba ako aayaw? Sayang naman 'tong ginawa ni Ate Iyen oh” sagot niya pinakita niya pa sakin ang suot-suot niyang damit.

Napakamot nalang ako sa ulo ko habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa manibela. “Haaay sige na sige na. Basta ha, kung may nangyari na hindi maganda just call me ok? Hihintayin ko tawag mo Thae”

“Ok po THAE” pinagdiinan pa talaga ang Thae.

Niyakap ko siya hinalikan sa pisngi bago ko buksan ang pinto ng passenger's seat.

Maingat na bumaba si Thaeia sa kotse atsaka naglakad papuntang hotel. Lumingon muna siya at kumaway sa akin, kaya kumaway nalang din ako sa kanya.

Sumandal ako sa kotse ko at sinundan ng tingin si Thaeia papasok sa hotel na pag-gaganapan ng party nila.

Haaaaay lumalaki na talaga kapatid ko. The way she moves, the way she acts and the way she thinks like a lady. Matured na talaga siya pero hindi ko rin maipagkakaila na hindi pa rin nawawala ang pagiging childish niya minsan. Napakamot ako sa ulo atsaka pumasok sa kotse.

Point of View

-Thaeia Ys Lee-

Papasok na sana ako sa loob kung saan gaganapin ang party kaso may humarang na mga guards sa entrance guards.

“Mayroon po ba kayong invitation ma'am?”

“Ah yes” pinakita ko ang invitation sa kanila at agad naman nila akong pinapasok naman nila ako. Naks naman! Sossy ah.

Nang makapasok na talaga ako sa loob ng venue ng party, as in WOW talaga. Sobrang elegante ng party, design, damit, lights, at pagkain (kahit malayo sa akin ang buffet table. Ok lang 'yan, bongga naman kasi ang mesa eh! Haha) Mga magagandang gowns ang nakikita ko na suot ng mga lalaki at babae, halos lahat blue. Tanga ka talaga Thaeia! Natural, blue ang motif.

Ehem nakalimutan kong sabihin na masquerade pala ang party na ito. I'm wearing my ruffled royal blue cocktail dress na hanggang tuhod lang ang haba and then mayroong one strap lang from my back to my left shoulder across sa chest ko na puro maliliit na white flowers ang inilagay ni Ate Iyen.  Meron din akong flower crown na white, blue and black din at color white na masakara at half lang ang natatabunan from my left eye dadaan sa ilong ko and to the other side of my right face.  may mga blue jewels din na nakalagay sa masakara ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Gandaaaa! *0* Sino kaya ang nag-organize ng event na 'to?

“Uhmm good evening…”napalingon kaagad ako sa sobrang gulat. Nakita ko ang babae na naka-maskara rin at may hawak-hawak siyang mga papel and a ballpen.

"Kakarating mo lang ba?” tanong sa akin ng babae.

Tumago lang ako. Gusto ko mang sagutin ang tanong niya, hindi pwede.Gusto ko munang manahimik huhu... baka isa ito sa mga kaibigan ko. Di pa ako ready my goodness.

“Nandun yung mga pagkain oh. Kuha ka lang dun ha?”

And for the second time tumango ulit ako. Sorry po TT__TT

“So I guess ok ka na? Suit yourself miss. Kailangan ko pa kasing mag-assist, excuse me” she said her goodbye and umalis na rin.

Nang maka-alis na siya ay napabuga nalang ako ng hangin mula sa kaloob-looban ng katawan ko. Hindi na ako naka-hinga 'run ah.

Married To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon