Chapter Seventy-- And Because...
Point of View
-Seth Dee-(A/N: Huuwaaaaaaait. Last chapter na po 'to ㅠㅇ ㅠ Sige sige basa na hahaha.)
Binalot kami ng katahimikan. Pakiramdam ko tumigil ang oras at mundo sa pagitan naming dalawa. Walang may nagsalita ni isa sa amin.
Huminga ng malalim si Thaeia. Ibinigay ni Thaeia sa akin ang picture frame na hawak-hawak at tiningnan ako. Namumula ang mga mata niya.
“Naging magkaibigan tayo Seth. Simula noong nakapag-transfer ka na sa paaralan naming tatlo sumasama ka na palagi sa amin. Nagse-sleep over ka na rin sa bahay. Pati almusal mo sa umaga at hapunan mo sa gabi nandito na rin sa bahay. Kulang na lang magpapa-adopt ka ja sa amin. Araw-araw masaya tayong apat, naglalaro, sabay-sabay kakain, manunuod ng movie, computer games at matutulog”
Patuloy akong nakikinig sa kwento ni Thaeia at isa-isang nagpapakita ang mga alaala na nawala sa isipan ko pero kapalit nun ang pagkirot ng ulo ko. Binabaliwala ko nalang ang sakit dahil gusto kong malaman.
Naglakad si Thaeia papuntang mesa at hinarap ang dingding na punong-puno ng mga pictures at huli ko nang narealize na litrato naming apat iyon.
“Oo nakalimutan mo pero, alam mo ba Seth? Ako, kahit kailan hindi kita kinalimitan. Alam mo bang umamin ka sa akin na mahal mo ako? Inaway ka nga nila kuya noon at insan pero sa huli hinayaan ka nalang din nila at nagkabati-bati rin kayong tatlo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa‘yo. Pero aaminin ko may lugar kana sa puso ko noon Seth. Puppy love. Haha baduy bang pangkinggan? Ewan ko rin, hindi ko nga ini-expect na aaminin ka pa sa harap ng parents ko at parents mo na mahal mo ako. Crazy” napiling si Thaeia at tumawa ng mahina.
“Tita, Tito mahal ko na po si Thaeia. Mahal na mahal. Sana payagan niyo po ako na maging girlfriend siya” nanatili akong nakayuko habang nakaluhod sa harap ng parents ni Thaeia. Wala akong pakialam kong nandito rin si Mom at Dad at saksi sa mga pinanggagawa ko ngayon.
“What? Hahahaha Suzette! Ang cute-cute ng anak mo!” sigaw ng mommy ni Thaeia at nagtawanan silang lahat.
“Seth hijo, bata pa kayo ni Thaeia. 'Wag muna ang girlfriend-girlfriend na 'yan” parang tinusok ako sa puso pagkatapos sabihin iyon ng Mommy ni Thaeia. Akala ko kanina may pag-asa ako 'yun pala maling akala.
“Please po. Aalagaan ko po palagi si Thaeia at aalagaan ng mabuti araw-araw.”
Pinatayo ako ni Daddy ni Thaeia mula sa pagkaka-luhod at pinat ako sa ulo.
“Ok lang naman sa amin ang love Seth. Pero wait for the right time. Its ok if you care and love Thaeia. There's nothing wrong about it but you have to place yourself where you should be. Just wait for things to come. Tiwala lang.” tinapik ako sa balikat ni tito at ngumiti sila sa akin ni tita sa akin at nagtawanan silang lahat.
“Naging bestfriends tayo hanggang sa naging 'special bestfriends na. Haha silly.”
Lumapit ako sa tabi niya at tiningnan niya ako at binigyan ng isang ngiti malungkot.
“ 'Yun nga lang naaksidente ka Seth. Sa isang iglap nawala ang lahat”
Nagsimulang mamuo na naman ang tubig sa mga mata ni Thaeia.
Siya...siya ang batang babae na palagi na nasa panaginip ko. Ang parents niya ang nagpapakita sa mga alaala ko. Ang pamilya nila. All this time si Thaeia lang pala.
“Hello Thaeio? Nasa mall na ba kayo?”
“Oo nandito na kami” sagot ni Thaeio sa'kin sa kabilang linya. Malapit na ako sa mall at sa tawag lng kami naguusap. Miss ko na sila lalong-lalo na si Thaeia.
BINABASA MO ANG
Married To My Bestfriend
FanfictionSa panahon ngayon, hindi na uso 'yung palagi mo nalang sinusuko ang mga gusto mo para sa ibang tao. Hindi na uso 'yung palagi ka nalang nagpapakababa para sa iba. Hindi sa lahat ng oras dapat kang magpaka selfless pero kapag nagmahal ka na hindi mo...