Tila mga alikabok na kasama sa hangin
Mga alabok na nakikita sa langit
Ang aking pag- ibig ay walang katumbas
Kung iyong susumahin ito'y walang wakas
Mahal na kita mula pa man noon
At ang aking damdamin ay nasa puso hanggang ngayon
At ako'y naghihintay ang pag- ibig umusbong
Ang aking nadarama ay mabigyan mo ng tugon
Minsan naisip na pakawalan ka na lang
Ang aking pag ibig ay limutin na lang
Ngunit di ko magawa dahil ikaw ang laging laman
Ng Puso't isip ko, Umaraw man o umulan
Mula noon hanggang ngayon ika'y aking mahal
Ang sa Panginoon ay laging dinarasal
Hindi mo man pinapansin o tumbasan ang damdamin
Mahal, ako'y maghihintay sa iyong pag- ibig
- Misty Riosa -
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
Short StoryAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...