XXVII. Hindi Na Kailangan

62 14 6
                                    

Minsan ay napapaisip kung bakit ganito,

Ang pag-ibig kong taglay na handang ialay sa iyo.

Hindi lang naman ikaw ang lalake sa mundo,

Ngunit sadyang ang iyong ngiti ang hinahanap-hanap ko.

Ang araw ko'y binubuo sa isang sulyap mo lang,

Pintig ng puso'y pangalan mo ang laging sinisigaw.

Damdami'y hindi mapigilan sa patuloy na pag-alpas,

Kulang na lang ay ialay ko pati bituin sa kalawakan.

Pinaparamdam mong ako ay may halaga,

Diyan sa buhay mo'y mayroong espesyal na marka.

Ako'y lubos na pinagpala; sa aking hinuha,

Walang kupas na kilig ang hatid mo sa tuwina.

Ngunit kaya bang takasan ang katotohanan?

Sa puso mo ako ay pangalawa lang.

Kahit gusto kong manalo sa laro ng tadhana,

Hindi maaari dahil ako'y isang hamak na reserba.

Pinilit kong lumaban ngunit hindi pinagbigyan,

Dahil siya na ang pinili mo; ako'y nabalewala lang.

Sa pagkakakapit sa iyo'y hindi na kailangang bumitaw,

Dahil una pa lang ay kamay niya ang iyong hinahawakan.

- - Misty Riosa || Feb 11, 2017 || 11:40 PM - -

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon