Matagal na rin akong naglalagalag sa mundo,
Pag-asang pinanghahawaka'y kasabay ng yaring pag-inog.
Pangarap ang sandigan sa pagkamit ng ninanais.
Pati na rin ang walang tawad na sa Kaniya'y pananalig.
Hindi mawari kung bakit kailangan pang maghirap,
Sa buhay ay makaranas ng pagdurusang kaysaklap!
Ngunit sa bawat hakbang na ating ginagawa,
Kakabit ay pagtupad ng kahilingang hinahangad.
Minsan ay sadyang nasa kaisipan mismo ang sagot,
Sa mga katanungang bumabagabag at kailangan ng tugon.
Magtiwala ka lang at huwag na huwag bumitaw,
Kapag ikaw ay naniwala; lahat magagawa.
Manatiling positibo sa lahat ng mga bagay,
Kaibigan, kaisa natin ang kalawakan!
Ang Panginoon ay laging nariyan upang makinig,
Maghintay ka lamang at ang gusto'y makakamit.
- - Misty Riosa | 9:55 PM | Feb 5 - -
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
Short StoryAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...