Blog #2 Love Online

57 5 0
                                    


"Distance makes the heart grow fonder."

Favorite quote na yata iyan ng mga lovers na nagkakalayo. Pero paano kung sa una pa lang, may distance na talagang namamagitan? Paano kung hanggang sa screen lang ng cellphone, o computer ang inyong pagmamahalan? Paano kung ang date ninyo, ay hanggang sa chat at video calls na lang?

Long-Distance Relationship. Dahil mas malawak na ang mundo, lahat ng pag-ibig ay posible nang mabuo. Lalo na ngayong halos lahat ng tao, ay nahuhumaling sa benefits na dala ng internet. Nariyan ang iba't ibang site kung saan pwedeng magkonekta sa mga pusong gustong magmahal at mahalin din naman. Kahit gaano pa kalayo, lahat ay posible na. Hindi na lang nalilimitahan sa pagsusulat gamit ang papel at sobre kagaya noon. Hindi na rin basta gamit ang cellphone na sa text, at phone calls lang ang pag-uusap ninyo. Naging medium ang World Wide Web, para lumawak ang kapasidad ng mga taong makahanap ng pag-ibig sa mundo.

Noon pa man, ay mulat na ang aking kaisipan sa uri ng pagmamahal na ito. Pero, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng katotohanang bihira lang sa pumapasok sa LDR ang nakakarating hanggang dulo... ang dulong tinatawag na "Happily Ever After".

Sa totoo lang, ilang beses na akong sumubok sa LDR. Sa lahat ng iyon ay walang nagtagal. Isa pa sa masaklap na bagay na napatunayan ko, ay ang malaking chance na lokohin ka lang ng ka-partner mo at hindi seryosohin ang sa inyo'y namamagitan. There's that greater chance that your feelings will be played, and taken for granted.

Like for me, my first LDR experience was so sweet in the beginning. He's been my confidant when I was so brokenhearted. Siya 'yong nagpapasaya sa akin, at laging umaalalay sa akin kapag hindi ko na kaya ang sakit. I gave him my trust. Kasi akala ko, iba siya. One day, bigla na lang siyang nawala na parang bula. Iniwan niya ako sa ere na parang tanga. Hanggang sa nalaman ko na lang na lahat pala ng sinabi niya sa akin, ay kasinungalingan lang. I never had a chance to ask him why he has done that. Masakit din kasi walang kaming maayos na closure.

Naging masalimuot ang mga sumunod na LDR ko. Dahil naitanim sa isip kong kalokohan na lang talaga ang gano'ng uri ng pagmamahal. I became revengeful. I played with other boys in the virtual world, and it relieved me because in that way... I got the justice I want. Hanggang sa may isang lalake na umani ng galit ko, pero hindi naman dapat. He almost got himself killed noong bigla akong nakipag-break sa kaniya. Dahil inakala kong nakikipaglaro lang din siya sa akin, nasaktan ko siya. I really felt bad about myself then. Iyon din ang nagpagising sa akin sa katotohanang hindi lahat ng lalake, ay pare-pareho. Hindi lahat ng lalake, ay lolokohin ako. That's my turning point.

I learned to forgive and trust men, once more. I had my next love. Nakilala ko siya sa facebook. For me, our love was one of the sweetest kind. Kahit sa dummy world lang nagsimula ang lahat, naramdaman ko ang pagmamahal na hindi ko akalaing maio-offer ng ganitong relasyon. I don't want it to end. Pero kagaya ng iba, ay natapos din ito agad dahil sa complications. Ako mismo ang pumutol sa pagmamahalan naming dalawa. Kahit mahirap. Kahit mahal na mahal ko siya. Dito ko natutunang minsan, ay hindi sapat ang pagmamahal. May mga sitwasyon talagang susubukin ang katatagan ninyo. At sa huli ay mapipilitan ka pa ring bumitaw, dahil marami kang masasagasaang tao kapag nagpumilit ka.

Dati akala ko, totoong kapag mahal mo ang isang tao ay kakayanin mo lahat para sa kanya. But, I realized that everything have limitations. Yes, even love. Reality taught me that we need to let go of things that intoxicates us. Hindi natin dapat hinahayaang lasunin tayo, at unti-unting patayin ng isang bagay. Kahit gaano pa kaganda ang isang bagay sa pananaw natin. At kahit gaano pa tayo minsang binuo nito, kapag alam nating mali na ay matuto tayong bumitaw.

But, what does it really take to be in a long-distance relationship?

Syempre, unang-una ay kailangang handa ka sa sitwasyong papasukin mo. You must be ready to love. Kahit ano naman yatang relasyon, kailangang gano'n. Kasi kung hindi ka pa talaga handa, magiging pilit ang pagmamahal mo. Isa iyan sa rason kung bakit maraming relasyon ang nawawasak na lang agad. Lack of preparedness and maturity. Madalas, nagpapadala tayo sa sitwasyon at nagpapalinlang sa feelings natin. Assess your feelings first. Mahirap naman kasi kung papasukin mo ang isang bagay tapos kapag hindi mo pala kayang panindigan, aalis ka na lang bigla. Huwag gano'n! Kaya maraming nasasaktan, eh.

Dito na pumapasok ang susunod na elemento na tinatawag nating "foundation". We should not rush into love. You should at least take your time to know each other. Katulad ng isang gusali, magiging matatag ito kapag ang mismong pundasyon ay pinagtuunan ng pansin. Ito talaga ang bagay na hindi ko nagagawa sa mga past relationships ko. Naisip ko lang na siguro, totoo nga ang tungkol sa bagay na ito. Even now, I'm applying it. It really feels good kasi walang pressure.

Next, we need patience at understanding. A lot of it. Since, hindi kayo nagkakasama, ay nandiyan ang miscommunication. Dapat bukas lagi ang isipan, at handa kang makinig to work it out. Dapat lagi magkasundo ang inyong isip. Isama rin ninyo ang isa't isa sa mga plano ninyo sa buhay. Think that you'll end up together. Matinding faithfulness ang kailangan mo dahil nasa paligid lang ang tukso. Mahirap nga naman kasi na hindi n'yo nagagawa ang normal activities ng couples. You can't kiss, hug, and hold hands. Ang hirap 'di ba? Maaari kang magsawa sa ganiyang set-up. Bakit ka nga naman magtitiis kung pwede mo naman makuha iyan sa iba? Pero kung talagang mahal mo siya, kakayanin mo. Just make it an inspiration to make your meet-up more possible. Ang pinakamahalaga sa lahat, ay humingi ng tulong sa Panginoon. Keep on praying, hindi lang para sa inyong dalawa kundi para sa lahat ng bagay. He's always there to listen.

Just wait patiently because God's timing is perfect. Magugulat ka na lang na na-grant na pala ang prayers mo, hindi mo lang namamalayan.

Yes, LDR is no joke. Mahirap talaga. Pero, gusto kong bigyan ng pag-asa ang mga taong hanggang ngayon, ay may doubts pa rin. Walang imposible basta gusto mo ang isang bagay. Ipaglaban mo lang. Kung alam mo namang deserve ninyo ang pagmamahal ng isa't isa, at siya na ang gusto mo hanggang sa huli, go lang nang go. Always be optimistic so that positive things will happen... Just like how you wanted it to be. Hindi pa man kayo nagkikita, ang importante ay alam ninyong mahal ninyo ang isa't isa. At darating ang panahon na magtatagpo rin kayo. Tiwala lang iyan.

Hindi hadlang ang distance para sa dalawang taong nagmamahalan. AJA!

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon