CLICK

30 6 0
                                    


"There is another dimension of this world, called Parallel Universe, where only rightful ones could go."

Humagalpak ng tawa ang kaibigan kong si Jade matapos basahin ang title ng video na pinapanood ko sa Youtube. "Alam mo, Miya, minsan talaga ang weird mo. Ano na naman iyang pinapanood mo? Ang tanda mo na, nagpapaniwala ka pa sa mga ganiyan!"

Nakakunot ang noo kong nilingon siya. "Hindi naman lalabas ang mga ganiyan kung hindi totoo," depensa ko. "At saka... ang dami ko nang ginawang research tungkol dito. Time Travel. Aliens. Bermuda Triangle. Pyramid. Lahat nang iyan at marami pang iba ay posibleng totoo. Marami na ang nakapagsasabi, Jade! May scientific basis ang mga iyan! May theories!"

"Theories! O, sa iyo na mismo nanggaling! Teorya lang ang lahat. Hindi iyan totoo."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala! Basta ako, naniniwala ako. Diyan ka na nga. Uuwi na ako."

Agad kong inayos ang mga gamit ko saka dire-diretsong lumabas nang classroom. Mukhang hindi naman na darating iyong professor namin sa panghuling subject.

Walking distance lang ang bahay namin kaya nilalakad ko lang talaga. Maliban na lamang kapag kainitan o malakas ang ulan. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang maisip ang diskusyon na naman namin ni Jade kanina. Totoo nga kaya ang isa pang dimensyon?

Sa paglipas ng panahon ay mas lalo nang nagiging advanced ang teknolohiya. Sa palagay ko ay mas lalo na ring tumatalino ang mga tao dahil nga kung ano-anong naiimbento.

Bata pa lang ako ay nakahiligan ko na ang siyensiya kaya naman hindi nakapagtatakang kung anu-ano na ring teorya ang pinaniniwalaan ko. Lalo na ang tungkol sa isa pang dimensyon.

Base sa mga research ko, ang kakambal na dimensyon ng mundo ay isang lugar kung saan maaaring maging posible ang lahat ng bagay. Di hamak na matatalino ang mga tao roon at sobrang advanced ng kanilang teknolohiya. Nagagawa rin nilang makapaglakbay sa space at iba't ibang dimensyon nang walang kahirap-hirap. At ang mga nilalang na nakatira doon ay ang mga kinikilalang Alien.

Napatingin ako sa hawak kong cellphone nang biglang tumunog iyon. Pagkakita ko sa screen ay may nakita akong notification.

"Click?" Galing iyon sa isang social media account ko.

Pipindutin ko na sana iyon nang biglang may tumawag sa akin. Si Jade. Agad ko iyong pinatay. Nagtatampo pa rin ako sa kaniya.

Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Agad akong sumalampak sa kama nang makapagbihis, nakatulala lamang sa kisame. Hanggang sa bigla ko na lang maalala ang notif na natanggap ko kanina.

"Click."

Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at agad na binasa ang mensahe.

"If you want to see the other dimension, click the yes button."

Isang choice box ang biglang nag-prompt sa screen ko. Nagdalawang-isip pa ako kung pipindutin ko iyon pero sa huli ay nilamon ako ng kyuryosidad.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay biglang lumiwanag ang aking vanity mirror. Sa sobrang nakakasilaw noon ay hindi ko mapigilang pumikit. Pagdilat ko ay isang babae na ang nasa aking harapan.

"B-bakit kamukha ko siya?" wala sa sariling tanong ko.

"Hello, Miya! I am Yami. . . you in the Parallel Universe!" panimula nito. "Alam kong naguguluhan ka pero ito na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Taglay mo ang kakayahan ng isang hindi pangkaraniwang nilalang. Ang totoo ay isa ka sa amin, Miya. Ipinadala ka sa Earth para pag-aralan ang mga bagay-bagay na tungkol sa mundong kinagisnan mo. Isang chip ang nakatanim sa utak mo na siyang ginagamit sa parallel universe para mag-develop ng mga teknolohiya. Lahat ng kakulangan sa mundong ito ay ginagawa na roon."

Natigilan si Miya. "Sandali lang. Ang ibig mong sabihin ay totoo ang mga teorya?"

Ngumiti si Yami. "Sa palagay mo ba ay nandito ako kung hindi. At paano mo ipapaliwanag iyan?" Itinuro nito ang salaming patuloy pa ring nagliliwanag. "Lahat ng bagay ay naging posible sa Parallel Universe. At dahil iyon sa mga sugo na kagaya mo, Miya. Salamat."

"P-pero... kung totoo ang parallel universe, ibig sabihin ay nasira na rin ang..."

"Tama... nasira na ang balanse ng mundo. Naapektuhan nang husto ang magnetic fields dahil sa pagmanipula ng iba't ibang dimensions."

"Hindi maaari..."

Inilahad ni Ayim ang palad sa kaniya. "Bukas ay magugunaw na ang mundo. Babalik na tayo sa parallel universe. Sinusundo na rin ang iba pang mga sugong kagaya mo."

Sa isang iglap ay bigla muling lumiwanag ang salamin sa harapan niya. Kagaya nang una ay nasilaw muli sa liwanag si Miya. At nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay isang nakangiting Ayim pa rin ang nasa harapan niya. Nandoon pa rin siya sa kwarto niya. Ang pagkakaiba nga lang ay ang tila mga mahikang nakapalibot sa paligid.

"Welcome back, Miya!"

"Hindi! Ibalik mo ako sa Earth! Hindi ito totoo!"

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon