"ANO? Gusto mong mag-shift ng kurso?""Hindi ko na kaya, Pa. Hindi ito ang gusto ko."
Hindi ko mapigilang lalong manghina habang nakikita ang disappointment kay Papa. Habang si Mama ay tahimik lang na nakatitig sa akin. Wala siyang sinasabi, as usual. Pero alam kong disappointed din siya. For the nth time, I failed again.
"What did I tell you? I want you to be a CPA! Fourth year ka na, Alice, ngayon ka pa susuko? Ba't hindi mo gayahin si-"
"Ayan ka na naman, Pa! Stop comparing me to others!" Hindi ko na napigilang mag-burst out. Pinahid ko ang mga luhang lumandas sa aking mga pisngi. No, I can't cry in front of them. They raised me as a strong and confident girl. So, I can't show them my weak side. "Pagod na pagod na ako, Pa. All my life, ang ginawa ko lang ay sundin ang gusto mo . . . ang i-please kayo ni Mama. But, you're never satisfied. You're always asking for more! Sinubukan ko naman, e. I tried my very best to survive my course. Pero hindi ako masaya."
"Kung gusto mo, magagawa mo! Ang dami mong dahilan!"
"Just let me go, Pa! I'm not a kid anymore na pwede mo lang pasunurin. I'm twenty one! I have my own mind and-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Sa isang iglap ay namalayan ko na lamang ang pagdampi ng palad ni Papa sa pisngi ko.
"Joel!" Hinila niya si Papa sa braso. "Ano ba? Ba't mo sinaktan ang anak natin?"
"Nakita mo ba? Sumasagot na siya! Isa ka pa! Kaya nagiging ganiyan ang anak mo! Kinukunsinti mo siguro!"
"Of course not!"
Tinitigan nang masama ni Papa si Mama saka ibinalik ang tingin sa akin. "Ako ang ama mo, kaya ako ang masusunod. You will finish that course and take the board exam later. Do not disappoint me again, Alice." He stormed out of the house after saying that. Si Mama naman ay saglit lang akong binalingan ng tingin at saka sumunod na rin kay Papa.
I headed towards my room as I start to cry again. I immediately get my laptop and check the notifications from my blog site.
"Thank you for another inspirational content. I am looking forward to more of your blogs and literary works. I don't know where you get all the positivity but I'm really glad that there are people like you who uplift the spirit of others, Miss Victoria." Victoria Styles. That's my pseudonym. Rather, my other self.
Napangiti ako nang mapait matapos basahin ang isa sa mga komento sa latest post ko. "Sana all."
'Sana all, nakikita ang worth ko. Sana ako na lang palagi si Victoria.'
ILANG araw na ang nakalilipas mula nang magkasagutan kami ni Papa. Guess what? Of course, sinunod ko pa rin ang gusto niya. What's new?
"Hey, babe!"
Nakangiti kong nilingon si Aldous, ang boyfriend ko. Nang makaupo siya sa bench ay agad niya akong hinalikan sa labi. Pinalo ko siya sa balikat. "Hoy, nasa school tayo! Baka may makakita."
Tatawa-tawa niyang pinisil ang pisngi ko. "How's your studies? Tumakas lang ako sa work. Alam mo naman, maraming reports lalo at end of the quarter na ngayon."
"Okay lang," nakangiting sabi ko sa kaniya. I'm so lucky na may boyfriend akong umiintindi sa akin. "Tapos mo na ba iyong Financial Reports ninyo?" Aldous is a CPA. He is two years ahead. Sa totoo lang, siya ang dahilan kaya kinaya ko ang Accountancy. He's my motivator. At kapag nahihirapan ako sa lessons namin ay tinutulungan niya ako. Medyo naging busy nga lang siya noong nagkatrabaho na siya kaya paminsan-minsan na lang kami nagkikita.
He peek at my laptop. "Spread out your wings, be free? Oh, gumagawa ka ng bagong blog?" he asked as he continue reading. Mayamaya ay nag-alala siyang tumingin sa akin. "Is there something wrong?"
I bit my lower lip. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kaniya ang nangyari. "Babe. . ." Then tears started to pool down my cheeks.
He wrapped me in his arms and tried to calm me down. "Is it your dad?"
"I said I want to shift. Nagalit siya at. . . sinampal ako. He said I should be a CPA because that's what he wants."
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Mayamaya ay hinawakan niya ako at seryosong tinitigan ako sa mga mata. Pinahid niya rin ang mga luha sa aking mga mata saka ako muling niyakap at hinalikan. "I'm just here. Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. You know, in reality, life is really tough. If you don't really want to be a a CPA, huwag mo na lang ituloy. Sa kahit ano pa mang bagay, kung hindi ka magiging masaya, huwag na. Life will not end when you graduate. That would be just a beginning of another chapter."
Para akong natauhan sa sinabi ni Aldous. Pero napaisip pa rin ako. "I don't want to disappoint them again. I want to prove that I am not a failure. . ." mayamaya ay naisatinig ko.
"You must not always listen to them." Inilagay niya ang kamay ko sa tapat ng puso ko. "Listen to your heart, babe. Follow what it says. Kahit sundin mo sila, kung hindi ka magiging masaya, magdurusa ka lang buong buhay mo. You don't deserve that. You've done your part. Ginawa mo ang best mo para mapasaya sila. Pero mali kung parurusahan mo naman ang sarili mo. So, just like what you wrote in your blog. . . be free. Spread out your wings and fly. I got you."
Parang sasabog ang dibdib ko sa mga oras na ito. Parang gusto ko na namang umiyak. "Thank you, babe. I'm really glad that I have you." Ngumiti ako at saka siya niyakap.
"No. Thank you. You're the one who changed my life. Remember? I will always be your number one fan, babe. Continue writing and inspire others. I'll be very proud if you do."
"I will. No more turning back."
"That's my girl!" He smiled then gave me another kiss.
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
Short StoryAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...