2 of 3

24 4 0
                                    


[Adrian's POV]

In life, sometimes we make decisions even if we don't want to... But since the decision will be for the best, we have to do it. Even if we hurt ourselves... Even if we hurt someone we love in process.

Take it from me.

I made the hardest decision in my life a year ago.

At dahil doon, nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko... Si Claire.

Pero hindi ko naman ginusto yun. Hindi ko gustong iwan siya. Ayokong umalis pero kailangan.

I had a cancer.

Actually, matagal na. Matagal na akong may sakit. Bago ko pa man siya makilala, I'm already suffering from that. Gusto ko na sumuko noon. Hirap na hirap na kasi ako.

But then, nakilala ko siya. Nagkaroon ako ng lakas para lumaban. Nagkaroon ako ng pag- asa.

It was a night in December. Mag- isa ako noon. Nakaupo lang ako sa swing habang dinadama ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat at nag- iisip ng mga bagay- bagay.

Namalayan ko nalang na may umupo sa katabing swing. Nilingon ko siya at unang kita ko pa lang sa kanya noon ay nabighani na ako.

Maganda si Claire. Maputi, mahaba ang tuwid na buhok, matangos ang ilong, singkit ang mata, mamula- mula ang pisngi, at may nakakaakit na mga labi.

Hindi ko alam noon pero hindi ko mapigilan na titigan siya.

"Minsan masaya rin kapag ganito lang katahimik 'no?"

Natigilan ako ng bigla siyang magsalita. Kinakausap niya ba ako?

"Ha? Ako ba yung kinakausap mo?" litong tanong ko.

Tumawa siya at ngumiti sa akin pagkatapos. "Oo naman. Ikaw lang naman ang tao dito bukod sa akin. Unless, nababaliw na ako at kakausapin ko itong swing."

Natawa na rin ako noon. "Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Gusto ko lang ng tahimik. Nakakasawa kasi sa amin. Magulo." sagot niya at pagkatapos ay bumuntong- hining.

"I see." I just replied not knowing what more to say.

The silence remained for a while until I heard her speak again.

"Eh, ikaw? Bakit ka nandito?"

"Wala. May iniisip lang." sagot ko pagkatapos ay nginitian siya.

"Ahh. Yung girlfriend mo siguro." she said nodding.

"Wala akong girlfriend." sabi ko naman. Wala naman kasi talaga.

"Parehas pala tayo."

"Anong parehas?"

"Wala din akong girlfriend."

Tapos nagtawanan kaming dalawa. Ang saya niyang kausap. Mas lalo ko tuloy siya nagugustuhan.

"Baliw!" natatawa paring sabi ko sa kanya.

"Claire ang pangalan ko. Hindi Baliw!" natatawa namang sabi niya.

"Adrian." nakangiting sabi ko at naglahad ng kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Grabe ang lambot ng kamay niya.

Binawi niya ang kamay niya pagkatapos ng ilang segundo at ngumiti sa akin bago tumayo.

"Ahm, Adrian uuwi na ako. Baka kasi hinahanap na ako sa amin." sabi niya ng nakangiti sa akin.

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon