Sa paghalik ng silay ng matikas na araw sa aking balat,
Init ng pagmamahalan ay dumako sa baliktanaw.
Malamig na simoy ng hanging ako'y hinahagkan,
Nagpasidhi ng emosyon; kalungkutan sa aki'y bumalangkas.
Kahit masakit man ang katotohanang umuukilkil,
Na sa puso'y ugat ng pagdurusa at lagim.
Sa bawat araw na lumipas ay ang tanging hiling,
"Mahal, bumalik ka na't ibsan yaring paninimdim."
Hindi ninais na mawalay kailanman sa piling ko,
Ngunit tadhana'y kinuha ka; sa aki'y inilayo.
Pagpatak ng mga luha'y halos hindi na huminto,
Sa talutot ng mga rosas na noo'y ihinandog mo.
Prineserba tulad ng ating mga alaala,
Ang mga talutot na sagisag ng pagsinta.
Ngunit kahit ilang beses pang diligan ng aking mga luha,
Mananatili itong tuyo at hindi na mabubuhay pa.
- - - Misty Riosa | | 9:10 AM | | Feb 5 - - -
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
Short StoryAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...