Ang bawat galaw ay sinusundan ko
Bawat ngiti'y inaabangan ko
Ang tanging lalaking nagpatibok sa aking puso
Na noo'y sintigas at sintibay ng bato
Una pa lamang nang siya'y masilayan
Ang tibok ng aking puso'y nag- uunahan
Simula noon ay aking nadama
Ang kilig na hatid ng kanyang presensya
Sino nga ba ako sa kanyang paningin?
Isang bata, estudyanteng ni hindi pansinin
Akala ko noon sapat na ang pag- ibig
Na mula sa aking puso, ngunit ito'y hindi
Mabuti't aking naturuan ang puso
Na siya ay limutin ng wagas at lubos
Hindi ko akalain na ang puso kong nagbago
Ay ganon kadaling magbabalik sa bato
Mahirap umibig, kung wala namang tugon
Mas mabuting manahimik at sa Aralin ang atensyon
Doo'y walang hapdi, kirot na uusbong.
Kaalaman pa sa atin ay makatutulong.
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
Short StoryAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...