XXXVI. Unang Araw Ng Eskwela

65 11 4
                                    


Dedicated ito sa kanya kasi parehas kaming Kyoooot! Haha. Charot lang. Halimaw rin po 'yang manunulat. You should try her works.


UNANG ARAW NG ESKWELA

ni Misty Riosa (@CrazyMeInLove)


Unang araw ng eskwela nang makilala kita,
Naalala ko pa kung paanong nakabungguan ka.
Huli na ako noon sa klase kaya't nataranta,
Ngunit nang ngitian mo ako'y parang balewala na.


Balewala na sa akin noon kahit pagalitan ng guro,
Pinagbigyan ko ang sigaw ng nagwawala kong puso.
Ang kulay ng aking buhay ay mas pinatingkad mo,
Sa mga panahong lumipas ay ikaw ang inspirasyon.


Ikaw ang inspirasyon na naging destinasyon,
Minahal mo rin ako nang hindi naglaon.
Itinangi mo ako sa paglipas ng panahon,
Ngunit bakit sadyang madaya ang pagkakataon?


Unang araw ng eskwela nang makilala kita,
Unang araw din ng eskwela nang ang pagkakatao'y binawi ka.
Akala ko'y sapat na ang pag-ibig para sa ating dalawa,
Ngunit wala akong nagawa nang ang buhay mo'y kinuha na.


Kinuha ka at ang lumimot ay hindi ko magawa,
Ang pag-ibig mo pa rin ang hinahanap sa tuwina.
Hindi ako magsasawang balikan ang ating mga alaala,
Sa pag-ibig nating nabuo sa unang araw ng eskwela.


--- June 5, 2017 || 5:23 PM ---

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon