LUNA EL NUEVE

74 11 1
                                    

This story is published under the book anthology of WANI Publishing, the "Wicked Tales". Warning lang po. This story contains scenes that are rated SPG. May pagkamadugo ito at detailed ang mga sensitive scenes. Do not read at night kasi baka hindi kayo makatulog. And also, do not read before a meal dahil baka ma-imagine ninyo ang mga eksena at hindi kayo makakain. This is my only story na minsan ko lang nabasa. First time ko sumulat ng ganitong tema at hindi ko pa naulit dahil mahina ang loob ko sa ganito. Okay, tama na eksplanasyon ko. Haha. Read at your own risk, ha? ❤️

- - -

LUNA EL NUEVE
written by Misty Riosa

"Sa buhay na nawala, buhay ang kapalit. Dadanak ang dugo, hinagpis ang sasapit. Pagiging imortal ay kailangang ibigay. Sa laro ni kamatayan, ikaw ay sumabay."

Paulit-ulit nila iyong inaawit. Kanina ko pa sila pinagmamasdan pero hindi ko magawang lumapit. Marami sila. Mga taong nakasuot ng itim na kapa. Nakapalibot sila sa isang kawan na may nagbabagang apoy. Sa harap niyon ay may isang higaan na magarang nakaayos. Marami ring nakapalibot na kung anu-anong handog.

Hindi ko maintindihan. Nagising na lamang ako nang nasa lugar na ito. Isang lugar na napapaligiran ng mga puno at halaman. Madilim na. Tanging ang liwanag ng buwan at mga bituin lamang ang nagsisilbing tanglaw sa paligid. Bukod sa awit ng mga taong naka-itim ay ang tunog ng mga kulisap lamang ang maririnig. Napahawak ako sa aking mga braso nang maramdaman ang malamig na hangin na umalpas sa aking balat.

Patuloy lamang akong nagkubli sa likod ng mga halaman habang pinanonood ang kanilang seremonya. Sa kasalukuyan ay may binabanggit na kung anong ritwal ang isang lalake na sa tingin ko ay kanilang pinuno. Bakas na sa kanyang anyo ang katandaan. Mas lalong tumindi ang kilabot na nararamdaman ko sa aking pagkatao. Mabilis ang pintig ng aking puso at naninindig ang aking mga balahibo. Pinagpapawisan na rin ako ng matindi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Walong babae ang inilabas sa kung saan. Nakatali ang kanilang mga kamay at nakapiring ang mga mata. Hubo't hubad ang mga ito. Sugatan sila na animo'y hiniwa ang mga balat. Umaagos ang dugo sa mga katawan. Kahit sa dilim ay matatanaw rin ang tila nangingitim na bahagi ng kanilang mga katawan. Mukhang nalamog ang mga ito na senyales ng matinding pagkakabugbog. Dinig na dinig ang panaghoy ng mga babae na tanda ng kanilang paghihirap. Paulit-ulit silang humihingi ng awa. Ngunit ni isa sa mga taong naroon ay walang pakialam na ipinagpatuloy ang isinasagawang ritwal.

Napapapikit na lamang ako sa aking nasasaksihan. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong humingi ng tulong ngunit tila tuod ako na napako na lamang sa aking kinakukublihan. Nanunuyo ang aking lalamunan at animo'y mauubusan na ng laway dahil sa walang patid kong paglunok at pagpigil ng hiniga.

"Ngayong gabi, isasagawa natin ang panibagong ritwal. Siyam na buhay ang kikitilin na kapalit ng ating pagiging imortal. Gabi ng paghihinagpis na kasama ng ating kasiyahan. Kabilugan ng buwan ang ating pagdiriwang. Sa takdang laro ng buhay at kamatayan... Sa ating lahi ang tagumpay!"

Ito ang nakakatakot na sambit ng matandang lalake. Itinaas nito ang hawak na tungkod na may nakalagay na matalas na karit na kagaya ng kay kamatayan. Halos tumalon naman sa galak ang kanyang nasasakupan habang isinisigaw ang tagumpay.

"Simulan na ang pagdiriwang!" Muling sigaw ng pinuno. Kasunod niyon ay ang pagtanggal ng piring ng mga babae. Bakas sa mukha nila ang takot at kawalan ng pag-asa. Patuloy pa rin sila sa paghingi ng tulong. Mayamaya ay unti-unting lumapit ang mga taong nakaitim sa kanila. Ang sumunod ay hindi ko na naman inasahan.

Tila uhaw na uhaw na kanilang dinidilaan ang dugo na dumadaloy sa katawan ng mga dalaga. Lahat ng bahagi. Walang patawad. Halos magkalasug-lasog na ang katawan ng mga ito sa kanilang pag-aagawan.

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon