May mga pagkakataon talaga na gusto mo na lang sumuko dahil nilalamon ka na ng problema. Yung pakiramdam na nalulunod ka na at unti-unting nalalagutan ng hininga. Pero in the end, may maliit na boses sa likod ng isipan mo na magsasabing "Huwag kang sumuko! Lumaban ka lang! Dahil pagkatapos nito ay magiging mas matatag ka!"
At ang pinakamagandang bahagi sa lahat ay kapag nakinig ka sa tinig na iyon... doon magbabago ang lahat.
PS.
I want to end this Quotes part by giving inspiration to everyone. Nakakalungkot lang isipin na maraming tao ang hindi na kinakaya at sinusukuan na lamang ang problema. Though, hindi ko naman sila masisisi. Dahil ako mismo... madalas ay nawawalan na ng pag-asa.
I've been into a lot of depression. At sa mga panahong iyon ay halos mabaliw na ako sa dami ng gumugulo sa aking isipan. Nariyang parang gusto ko na lang biglang maglaho sa mundo. Parang ayaw ko nang magising. Mga ganoon ba? Pero never kong naisip na magpatiwakal.
Thank God kasi hindi pa naman. Dahil alam kong lagi lang siyang nandiyan at laging nakaalalay sa atin. Salamat dahil nakilala ko siya at natutunan kong manalig sa kanya.
Sabi nga sa Philippians 4:13, "Nothing is Impossible through Christ who strengthens me."
Sa mga panahong hinang-hina na tayo at lugmok na lugmok... tandaan lang natin na mayroong maaaring daan sa bawat sitwasyon. Mayroong magbibigay sa atin ng lakas sa ating panghihina. May magbibigay katotohanan sa kasinungalingan. At may magbibigay liwanag sa madilim na gunita.
Magtiwala lang tayo sa kanya.
Sana ang munting mensaheng ito ay magbigay inspirasyon sa bawat isa.
💕
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
القصة القصيرةAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...