Dedicated ito sa kanya kasi ever supportive siyang ate to me. Love you, ate Ann! *insert maraming kiss emoticon*
MABUTI NA LANG
ni Misty Riosa
Tinanong kita noon kung ano ako sa iyo.
Nasaktan ako sa isinagot mo.
Ang sabi mo kasi KAIBIGAN mo ako.
Nagpasalamat ka pa nga kasi lagi akong nasa tabi mo.
Sa kasiyahan man o kalungkutan maaasahan mo ako.
Isang tawag mo lang dumarating ako.
Kaya nakakainis dahil sinampal ako ng katotohanang...
Kaibigan lang pala talaga ako para sa iyo.
Ang tanga ko, ano?
Ang tanga ko kasi umasa ako...
Umasa ako sa espesyal na trato mo.
Umasa ako na kahit hindi mo sabihin, mahal mo rin ako.
Sabi kasi sa kanta "Actions speak louder than words", eh.
Masyado akong dumepende ro'n.
Nakalimutan ko tuloy yung Accounting standard na "Never assume, unless, otherwise stated."
Dapat pala talaga nagtanong na lang ako.
Dapat una pa lang nilinaw ko na kung ano ba talaga ang totoo...Kung ano ba talaga tayo...
Kung may pag-asa ba talaga ang ikaw at ako.
Edi sana hindi na nagkaganito.
Hindi na sana ako napakatanga sa iyo.
Pero hayaan mo na.
Wala na, eh!
Ayan na, nangyari na iyan.
Nasaktan na ako.
Sobrang nasaktan ako pero nanahimik na lang ako.
Tiniis ko ang lahat para hindi ka tuluyang mawala sa piling ko.
Pinilit kong umakto na hindi ako apektado.
Pinilit ko ang lahat para wala lang magbago...
Kahit nahihirapan na ako.
Ganyan kita kamahal, eh.
Ganyan kita kamahal kahit para sa iyo...
Ako'y kaibigan lang.
Pero ang galing talaga ng tadhana...
K-A-I-B-I-G-A-N
"Kaibigan" ang salitang minsa'y tumarak sa puso ko
at patuloy na nagiging responsable sa pagdurugo nito.
Oo, hanggang ngayo'y nagdurugo pa rin ang puso ko.
Pero hindi ko alam na mas may sasakit pa palang sagot sa tanong na...
"Ano ba ako sa iyo?"
Mas masakit pala ang sagot na "Ewan ko."
EWAN na sinabayan pa ng lumbay sa mga mata mo.
Kahit hindi mo sabihin, alam ko na ang dulot ng kalungkutan mo...
Malungkot ka dahil napagtanto mong mahal mo rin ako.Mahal mo rin pala ako.
Mahal mo rin ako at itinago mo ang totoo dahil natatakot ka ring mawala ako.
Nagpapakiramdaman lang pala tayo.
Parehas nating ayaw matalo
pero sa huli, wala pa rin sa ating nanalo.
Oo, mahal nga natin ang isa't isa.
Mahal na mahal pero...
Pero huli na...
Huli na dahil may minamahal ka na.
At mahal ka rin niya.
Mahal ninyo ang isa't isa.
At hindi mo siya kayang saktan kaya ako na naman ang magpaparaya.
Ako na naman...
Ako na naman!
Ako na lang palagi at ang nakakainis dahil parang wala akong kasawa-sawa.
Siguro nasanay na lang akong magpakatanga.
Mabuti na lang sanay na ako.
Mabuti na lang pala.
© Misty Riosa | 2017
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
NouvellesAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...