XXXIII. Buhay At Kalayaan

60 11 1
                                    



Sa bawat pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat,

Muling nabubuhay ang alaalang kaysaklap.

Ang mga naglalarong ulap sa asul na kalangitan,

Dinadala sa 'king gunita ang mapait na katotohanang ibinaon ang bakas.

Kung bakit naganap ay hindi ko pa rin mabatid,

Ang aking kalooba'y nilulunod pa rin ng sakit.

Hindi ako makatakas kahit gaano ko pa pilitin;

Binabagabag ng konsensya dahil sa buhay na kinitil.

Naantala... Hindi, mali!

Dahil ang katotohanan ay pinutol ko kaagad ang tali.

Tali na nagdudugtong sa buhay at kalayaan,

Ako ang dahilan kung bakit hindi man lang niya naranasan.

Hindi niya naranasan ang makatapak sa mundo,

Napangunahan ako ng takot na sa kaisipa'y nabuo.

Ang kinabukasan na sana'y tinatamasa ng kawawang sanggol,

Inagaw; Ipinagkait ng kanyang ina mismo.

Mismo, oo, ako nga ang sa buhay niya'y tumapos!

Maging ang kalayaan na ninanais ng kahit sino.

Ngunit, siya ay aking mahal kaya naman nagawa ko iyon,

Ayokong mismong ang mundo ang sa kanya'y magkait ng kalayaan; kagaya ng tinatamasa ko.

- Misty Riosa 💔

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon