XXVIII. Bagong Pahina

55 14 4
                                    

Parang gulong; Bakit gano'n?

Pinaikot ka nang husto.

Kailan ka ba matututo?

Nasasayang ang panahon.

Ilang beses nang lumuha,

Ilang ulit nang nasaktan.

Tuloy pa rin sa paglaban,

Kahit ikaw na'y malubha.

Nadurog lang ang puso mo,

Dulot ng yaring pagsinta.

Hindi mo ba nakikita...

Pang-aabusong natamo?

Tama na, oh, kaibigan!

Isipin mo ang sarili.

Putulin na iyang tali,

Mas mainam ang lumisan.

Ngunit sa iyong paglayo,

Pag-asa'y panatilihin.

Pagdurasa mo'y limutin,

Bumangon... muling tumayo!

Sa sakit man ay sawa na,

'Wag tumigil sa pagbuklat.

Hindi pa huli ang lahat,

Buksan ang bagong pahina.

Kahit tayo'y nasasaktan,

Buhat ng pagkakataon.

Lahat may tamang panahon,

Iyan ang laging tandaan.

Sadyang mayro'ng nakatakda,

Sa bawat isa sa atin.

Kailangan lang hintayin;

Sarili nati'y ihanda.

- Misty Riosa 💕

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon