XV. Tadhana

99 18 3
                                    

Minahal na kita simula pa lang no'ng una,

Ikaw na ang pangarap makapiling sa t'wina.

'Di ko mawari kung ba't ikaw ang nasa isip,

Mahal, kapiling kita hanggang sa panaginip.

Simpleng bagay lang ako'y iyong napapangiti,

Huling-huli mo yaring nakatagong kiliti.

Ang pintig ng puso ko'y iyong napapabilis,

Ngunit, pag-ibig na ito'y 'di sadyang matamis.

Ayokong mahulog ngunit 'di na napigilan,

Kumapit nang mahigpit pero 'di nakayanan.

Nadurog ang puso ko dahil 'di mo nasalo,

May mahal kang iba kaya ako ang natalo.


Sadyang mapaglaro at tuso itong tadhana,

Kung 'di ka susugal pag-asa mo'y wala na.

Kailangang harapin mga pagsubok niyang bato,

Malay mo sa huli ay makamit rin ang gusto.


- 07/02/2016 -
-- Misty Riosa --

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon