XVIII. Sa Pagsabog ng Bahaghari

73 16 1
                                    

First time ko gumawa nang ganitong type ng freeverse. Nakaka-alien talaga sa pakiramdam, mga Bes! Emegersh! Anyway, dedicated ito sa Aspiring Writers' Home. Sana magustuhan ninyo.

---

SA PAGSABOG NG BAHAGHARI

ni Misty Riosa

Tangan ang mga hinabing pangarap,

Nagpadausdos sa kailaliman,

Ng bangin nang pag-asa.

Sumugal,

Ibinigay ang lahat nang makakaya,

Ikinumpas ang mga pakpak,

Lumipad ka.

Sinugod ang hangin,

Gamit ang iyong sandata,

Paninindigan,

Kalooba'y pinagtibay.

Bawat unos na kinaharap,

Ika'y nanatiling matatag,

Maliksi,

Mapagmatyag sa maaaring kahinatnan.

Ngunit, 'di inaasahang ikaw,

Ay masakop ng kadiliman,

Nagpatangay,

Naligaw nang landas!

Tinahak ang maling daan,

Na akala mo'y bubuo,

Sa mga gunitang ninakaw ng kapalaran.

Dagok!

Isang pagsubok ang gumising,

Sa nakatulog mong diwa,

Pagsabog ng bahaghari,

hudyat sa Bagong Taon,

Muling kuminang ang pag-asa,

At sa iyong puso,

Nakapa ang panibagong simula.

---

January 18, 2017 || 1:55 PM

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon