XXXV. Trahedya Ng Mariposa

46 11 2
                                    


Sa bawat pagpagaspas ng kaniyang mga pakpak,

Lalong namumukadkad ang angkin n'yang kagandahan.

Lahat ng nilalang ay nahahalina sa kan'ya,

Anong hiwaga nga ba ang taglay ng mariposa?


Kulay niya ay katumbas ng isang bahaghari,

Dala ang pangakong ligaya na 'di magmamaliw.

Sa mga tagahanga, siya ay sadyang magiliw;

Ang tugon ay pasasalamat sa bawat papuri.



Ngunit 'di naglaon ay nagbago ang mariposa,

Pakikitungo sa iba ay naging magaspang na.

Tanging sarili na lang niya ang kinikilala,

Nalinlang! Nabulag ng karikitang taglay niya.



Namuhay kasama ang mga bulaklak sa hardin,

Mag-isa! Mundo'y makulay ngunit malungkot pa rin.


Nalagot ang hininga nang puno ng paninimdim...


💔 Misty Riosa 💔

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon