Sa iyong hinagap ay sariwa pa ang lahat,
Alaalang kaytamis at puno ng pangarap.
Mga yakap niya't halik na hatid ay ligaya,
Hinahanap-hanap mo ngunit sadyang wala na.Kaniyang mga handog ay pinakatatago,
Maging album na puno ng inyong mga litrato.
Status niya sa facebook ay laging inaabangan,
Ang paborito mong tambaya'y kaniyang timeline lang naman.Biglang napapalingon kapag pangalan niya'y narinig,
Tibok ng puso mo'y tila abnormal sa bilis.
Sa isang sulyap lang ay hindi mapakali,
At halos matunaw na kapag siya'y nakatabi.Apektado ka tuwing may kasama siyang iba,
Sa pag-aalburuto'y daig pa ang bulkang sasabog na.
Ang sa iba na siya masaya ay hindi mo matanggap,
Hanggang ngayon ikaw tuloy ay hindi pa rin makausad.Sa gabi, sa mga bitui'y siya ang tanging hiling mo,
Pinanghahawakan ang binitawan n'yong pangako.
At sa pagtulog mo'y laman siya ng panaginip,
Maging sa paggising ay siya lang ang nasa isip.Ilang beses mo sinabing gusto nang limutin siya,
Ngunit bakit ba kasi hanggang ngayo'y pasaway ka?
Kailan ba magigising sa katotohanang tapos na,
Ang pag-iibigan ninyong wala nang pag-asa?Ibaon na sa limot ang inyong alaala,
At ang presensiya niya'y ipagsawalang-bahala.
Tulungan ang sariling bumangon sa pagkalugmok,
At sa pagkabigo'y huwag ka nang magpasakop.Itigil mo na ang pagkahibang sa kaniya.
Pusong nasugatan ay iyong paghilumin na.
Mga regalo niya sa iyo'y mas mabuting itapon mo,
O kaya nama'y ibigay sa mas nangangailangan nito.Paano nga ba talaga ang limutin siya,
Kung ang puso mo'y sadyang nalilito pa?
Tanggapin mo munang wala na talaga,
At unti-unting kang bumitaw sa pagkapit sa kaniya.---
© Misty Riosa
January 20, 2017 || 2:50 PM---
PS.
Dedicated sa cute kong ading na si JD. Move-on na, okay? 2017 na, uy! HAHAHA.
BINABASA MO ANG
MISTIFY - One Shots & Poetry Collection
Short StoryAntolohiya ng mga Tula at Maiikling Kwento sa panulat ni Misty Riosa. . . Karagdagang nilalaman: #Blogs #Quotes #ShortStories #RandomThoughts #QandA #LoveAndLifePersonalAdvice Credits to @Galaxvixy26 for the super cutie na book cover. Note: The boo...