XXXII. Bumangon Ka, Surigao!

51 11 4
                                    


Entry ko ito sa Plumakata... Tulang inialay sa mga kababayan natin sa Surigao na nakaranas ng sakuna.

- - -

Bumangon ka, Surigao!
ni Misty Riosa

Bumangon ka, Surigao, sa 'yong pagkakasadlak;

Buuing muli ang pusong winasak ng sakuna.

Ang luhang itinangis ay palitan mo ng galak,

Maging handa sa bagong bukas na hatid ng susunod na pahina.

Buuing muli ang pusong winasak ng sakuna,

Sa paglisan ng mga minamahal mong nagpahirap sa kalooban.

Maging handa sa bagong bukas na hatid ng susunod na pahina,

Gawing inspirasyon sa iyong buhay ang unos na naranasan.

Sa paglisan ng mga minamahal mong nagpahirap sa kalooban,

Patatagin ang sarili at higpitan lang ang pagkapit.

Gawing inspirasyon sa iyong buhay ang unos na naranasan,

Lisanin ang kadiliman; salubungin ang liwanag na sasapit!

Patatagin ang sarili at higpitan lang ang pagkapit,

Niyanig man ng pagsubok at gumuho ang pag-asa sa 'yong buhay.

Lisanin ang kadiliman; salubungin ang liwanag na sasapit,

Pananalig sa Panginoon ang gawing sandigan at gabay.

Niyanig man ng pagsubok at gumuho ang pag-asa sa 'yong buhay,

Ang luhang itinangis ay palitan mo ng galak.

Pananalig sa Panginoon ang gawing sandigan at gabay,

Bumangon ka, Surigao, sa iyong pagkakasadlak!

- March 1, 2017 // 9:45 PM -

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon