C-Six

8.2K 269 15
                                    

        "Ano naguguwapuhan ba kayong dalawa sa isa't-isa?" Tanong niya sa mga ito."at ganyan kayong magtitigan?"may inis sa tono na sabi niya.

       "Alleah, I'm sorry." Sabi ni Jacob. " nagbakasakali lang ako na gising ka pa."

       "I'm still awake hindi lang ako lumalabas ng room ko, wala naman dahilan para mag-stay ako dito sa labas."

        "Invite lang san kita bukas, magpicnic tayo remember yung ilog sa kabilang bahagi ng tulay.?" Nakangiting sabi ni Jacob.

Tahimik lang na nakikinig si Miro sa dalawa na tila hindi sya nakikita. Kaya ng hindi na sya makatiis ay sinabi na niya ang sadya niya ng gabing iyon na nasabi n niya noong nakaraang linggo pa sa magulang ng dalaga na pumayag naman.

         "Alleah.,nasabi na ba nila Nanay sayo na sa Legazpi handicrafts ka na magtatrabaho mula sa lunes." Singit ni Miro na hindi nakatiis.

Nangunot ang noo ni Alleah sa sinabi ni Miro. At maging si Jacob ay napatuon ang pansin sa kinakapatid at future brother in-law.

        "Hindi at kailan pa nangyari na basta ka na lang magdedesisyon sa buhay ko.?"

       "I'm just helping you dahil kaibigan kita, besides nabanggit ni Nanay na you're planning to go abroad na mahigpit nilang tinutulan, so masama ba ang sinabi ko or ginawa ko?"

       "Pero Miro, si Alleah muna sana ang kinausap mo?" Iritadong sagot ni Jacob.

       "Kaya nga ako naririto, pero hindi naman siya lumabas anong gagawin ko, alangan naman pasukin ko sya sa kwarto niya para kausapin. I won't do that,baka makarating kay Cassandra ayaw ko ng problema between us."

Parang sinundot ng karayom ang puso ni Alleah sa narinig, hindi man pabor ang isip niya sa trabahong sinasabi nito ngunit ang puso niya ay pabor na pabor.

       "Pag-iispan ko, kung tanggapin ko man, I need to submit a resignation letter sa trabaho ko, I can't start on Monday."

       "Well everything is done, nakausap ko na ang manager ng pinagtatrabahuhan mo and they said okey you don't have to submit anything."

Marahas na napabuntong hininga si Jacob, alam niya talo na naman sya pero hindi sya susuko.

        "Jacob, wag kang mag-alala mahal na mahal ko ang kapatid mo, kung inaalala mo ang pagkakalapit namin ni Alleah, past is past and I'm still young that time, Cassandra occupied my whole heart now." Seryosong sabi ni Miro na halos ikaguho ng mundo ni Alleah.

        "Salamat, don't break my sister's heart, she loves you a lot." Sagot ni Jacob sa binata at nakipagkamay dito.

       "Okey, paano it's getting late, I have to go. Alleah, pakisabi na lang kila nanay  umuwi na ako."paalam ni Miro.

       " okey salamat. "Tugon ni Alleah.

Nakangiting humarap ai Jacob kay Alleah. Na ikinataka ng dalaga.

       "B-bakit?"

Hinawakan ni Jacob ang kanyang mga kamay. "Masaya lang ako, I know now na hindi ko pala talaga siya kaagaw sa puso mo."

      "Loko ka talaga, hindi naman talaga di ba? Narinig mo naman sya mahal na mahal niya ang kapatid mo kahit maldita."

Napatawa si Jacob sa sinabi ng dalaga. "Yah, you're right maldita nga sya pero mabait din naman lalo kung tulog."

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon