C-Thirteen

7.2K 240 20
                                        

Lahat ng mata ay natuon kay Alleah, matatag niyang sinalubong ang mga tingin na mapang-usig. Tila pelikula na slow motion ang ginawang paglingon ni Miro, napatulala siya kay Alleah, wala sa sariling lumakad siya palapit dito, na puno ng galit sa dibdib. Halos mangatog si Alleah ng makita ang papalapit na kaibigan, parang gusto niyang kumaripas ng takbo ngunit  "hindi'' papanindigan ko ito para sa kanyang kaligtasan.



Marahas na hinawakan ni Miro ang balikat ni Alleah."anong kalokohan ito Alleah?"sigaw ni Miro na halos magliyab sa galit ang mga mata nito.




Walang namutawi na kahit isang salita sa bibig ni Alleah, nanatili siyang nakatingin kay Miro. Ng humakbang si Cassandra palapit sa kanila at tila siya nagising sa isang bangungot."hindi ko hahayaan na mapunta ka sa babaeng iyan, na isang manloloko!"mariing sabi ni Alleah.



"Ikaw ang manloloko!"duro ni Cassandra kay Alleah."walangya kayong dalawa!"sigaw na muli ni Cassandra at pinakawalan ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Miro bago ito mabilis na  tumakbo palabas ng simbahan.



"Cassandra!"sigaw ni Miro at hinabol ang dalaga.


Maraming anasan siyang naririnig ngunit binalewala ni Alleah ang lahat ng iyon, taas noo siyang humakbang palabas ng simbahan  ng bigla siyang hablutin ng ina ni Cassandra at dalawang sampal ang ibinigay nito sa kanya.



"Inggrata! Totoo nga ang kasabihan, na ang mahirap ay kumakapit sa patalim maging mayaman lang! Slut!"bulyaw nito sa kanya.



"Darating ang araw Mrs Morales, ang salitang slut ay mare-realiaze mo na para sa anak mong manloloko!"mariin niyang sabi dito.



"Alleah! Tama na!"ang di nakatiis na awat ni Jacob sa dalaga. Masakit sa kanya ang nangyari sa kapatid ngunit kilala niya si Alleah hindi nito ito gagawin ng walang matinding dahilan. Hinila niyang palayo ang dalaga sa nangagalaiti niyang Ina.


"Bitiwan mo siya Jacob! Dahil baka mamaya ikaw naman ng biktimahin ng gold digger na yan!"sigaw ni Mrs. Morales.



Hindi pinansin ni Jacob ang pagsigaw ng kanyang ina maging ang pagpigil ng kanyang Ama. Mabilis niyang isinakay si Alleah sa kanyang kotse at pinaharurot ito palayo. Ng ihinto niya ito sa gilid ng kalsada ay doon bumuhos ang luha ni Alleah.


"I'm sorry Jacob, I'm sorry."ang paulit-ulit niyang sabi sa kaibigan na sunod-sunod ang buntong hininga.



"Why did you do that Alleah? Akala ko ba handa ka na? Akala ko ba unti-unti mo ng tinatanggap sa sarili mo na hindi siya para sayo.?''ang tanong ni Jacob na mababakas ang sakit na nararamdaman nito.


"I have my reason Jacob, sa tingin mo ba gagawin ko ito para sa pansarili kong kaligayahan! Alam ko mahal ko siya at sa araw araw na nakikita ko na masaya siya kay Cassandra ay, para akong sinasaksak ng paulit-ulit, hindi ko sila tutulan kung walang matinding dahilan Jacob!"


"Anong dahilan Alleah!!? Mahal kita alam mo yan, mahal ko ng kapatid ko  akala mo ba natutuwa ako sa nangyari! Paano kung magpakamatay si Cassandra gaya ng ginawa niya noon wag lang siyang iwan ni Miro!?"


Napaangat ng tingin si Alleah sa binata, puno ng pagtatanong ang kanyang mga mata, at bago pa niya naibuka ang bibig para magsalita ay tumunog na ang cellphone ni Jacob.



"Pa? What! Saang hospital!? Opo darating po ako."tarantang sagot nito at mabilis na pinaandar ang kotse.



"Anong nangyari Jacob!?"


"Nasa hospital  si Mama!"malamig nitong sagot." I cannot take you there, ihahatid na kita sainyo, I'll talk to you again."



Matapos siyang ihatid ni Jacob ay tahimik siyang pumasok sa kanilang bahay ng salubungin siya ng sampal ng kanyang Ama.


"Tay!


"Wala kang delikadesa! Mahirap na nga tayo inilagay mo pa sa kahihiyan ang pamilyang ito Alleah!"sigaw ni Mang Antonio sa anak."nasaan ang pinag-aralan mo, iginapang ka namin ng nanay mo para matuto ka ng tamang edukasyon ng marating mo ang hindi namin narating,ng malaman mo ang tama at mali! tiniis namin ang init at lamig sa tubigan para kumita ng pera ng makapag-aral ka ng sa gayon hindi ka kawaan at laiitin ng mga taong makakasalamuha mo, pero ano itong ginawa mo? Itinulak mo ang sarili mo sa malaking kahihiyan!"sigaw na muli ng kanyang Ama na ikinahagulgol ni Alleah at maging ng kanyang Ina na tahimik na nakaalalay sa kanyang Ama.



"Tay patawad po!"



"Patawad!? Maibabalik ba ang lahat ng salitang patawad! Alam mong ikakasal na si Miro bakit hinayaan mong mabuntis ka ha Alleah? Sinadya mo ba para sa pera?"




"Tay hindi po, hindi pera itay!"tanggi ni Alleah at hinawakan ang kamay ng Ama ngunit iwinaksi nito ang kanyang kamay."Tay.?"


"Antonio, ako na ang kakausap sa kanya  huminahon ka."ang umiiyak na awat ni Aling Lolita sa asawa.



"Bukas na bukas ay pupunta tayo sa Hacienda!"mariing sabi nito bago sila iniwang mag ina.




"Nay!?"lumuluha na wika ni Alleah at inabit ang mga bisig nito."inay ko, patawarin mo ako, masakit din sa'kin ang nangyari pero iyon po ang tama.!"



"Anak, matay ko man na isipin, hindi ko maintindihan ang nangyari, ang ginawa mo, bakit pinabayaan mo pa na umabot sa simbahan, tatlong pamilya tayong hunarap sa kahihiyan."mahinahon ngunit may pait na sabi ni Aling Lolita.



"Nay, ayaw ko lang mapahamak si Miro."



"Mapahamak saan at kanino?"



"Nay, pakiusap pigilan nyo na lang ang itay na wag ng kausapin sila Señor Alvin, kakausapin ko po muna si Miro."Ang nag-aalang pakiusap ni Alleah sa Ina.



"Hindi ko maipapangako kilala mo ang iyong Ama, na may isang salita, tama lang na pag usapan ang pananagutan ni Miro sayo, sige maiwan muna kita."



"Pero Nay."ngunit dirediretsong umalis ag kanyang Ina.




Ng sumapit ang gabi ay dumating si Jessica sa bahay nila Alleah dahil nabalitaan nito ang nangyari sa simbahan sa araw ng kasal ni Miro at Cassandra.



"Alleah,bakit hindi mo na lang sinubukan kausapin si Miro.?"tanong ni Jessica matapos isalaysay ni Alleah ang lahat.



"Sa palagay mo paniniwalaan niya ako?"



"Bakit sa palagay mo mas paniniwalaan ka niya ngaun? Sana iniisip mo rin naman ang sarili mo Alleah hindi 'yung lagi na lang si Miro. Si Miro na hindi ka nakikita bilang ikaw na totoong nagmamahal sa kanya!"sigaw ni Jessica sa kay Alleah dahil sa pagiging tanga nito pagdating kay Miro.



TBC.....

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon