C-Fourteen

7.1K 254 11
                                        


"Jessica!?"ang tawag ni Alleah sa kaibigan ngunit hindi rin siya nito pinansin. Mali ba talaga ang ginawa ko?"ang naitanong niya sa sarili."kaligtasan lang ni Miro ang inalala ko."mapait niyang sambit bago tuluyan pumasok sa kanyang kwarto, maramot ang antok pero pinilit niyang matulog.





Ng mga oras na iyon ay halos hindi na makalakad si Miro sa kalasingan, ng muli niyang maalala ang nangyari sa simbahan ng abutan niya si Cassandra na pasakay sa kotse nito ay muli siyang nakatikim ng sampal dito.





"This is embarrassing Miro, at guguluhin ko ang buhau ninyong dalawa! I hate you! Bastard!!"galit na sabi ni Cassandra.








"Boss lasing ka na, iuwi ko na kayo."ang mahinahon sabi ng Waiter ng bar na pinuntahan ni Miro.




"Wala kang pakialam!"bulyaw ni Miro dito at tinabig nito ang binatang Waiter.





"Louie bayaan mo na yan, porke mayaman at lasing mayabang na!"sabi ng isa sa kasamahan nitong Waiter.






"Hindi pare, kilala ko siya mabait ito may problema lang siguro."







"Bahala ka nga hindi naman tataas ang posisyon mo dyan!"



Ng tumayo si Miro ay nakaalalay pa rin c Louie sa kanya, hindi na ito nakatanggi dahil nawalan na ito ng malay sa kalasingan. Lakas loob niyang pinakialaman ang cellphone nito at hinanap sa contact ang taong pwede tawagan.

"Hacienda Legazpi, goo evening."bungad ng boses na inaantok sa kabilang linya.

"Pasensya na po sa abala si Sir Miro po kasi nakatulog na sa sobrang kalasingan dito po sa bar."

"Salamat iho,darating kami dyan."sagot ng nasa kabilang linya matapos niyang ipagbigay alam ang pangalan ng Bar.

Tapos na ang duty ni Louie sa bar ngunit hindi niya maiwan si Miro, malaki kasi ang utang na loob miya sa binata, two year's ago e niya sa college ng holdapin pa siya ng mga rugby boy's sa bayan sa halagang 1libong piso ay mapapatay pa siya kung hindi napadaan si Miro ay baka hindi siya Waiter ngaun dito sa Bar na ito, ng malaman ni Miro na working student siya ay pinabigyan siya nito na scholarship at ini-refer sa Bar na ito. Fourt years college na siya at graduating sa kursong HRM kaya kahit inalok na siya sa mataas na position ay hindi pa niya tinanggap dahil sa araw ang klase niya. Naghihikab na siya ng huminto sa tapat nila ni Miro ang isang itim na Hummer3 at bumaba ang mag-asawang Legazpi.

"Louie iho, naku maraming salamat anak, at ikaw ang nakakita sa kanya."magiliw na sabi ni Señora Alona."Tapos na yata ang duty mo naabala ka pa.


"Walang anuman po Señora."nahihiya niyang tugon."malaki po ang utang na loob ko sainyo lalo na kay Sir Miro kaya wala pong anuman ito.


"Paano ihahatid ka na namin at wag ka ng tumanggi umaga na Louie."sabi naman ni Señor Alvin at hinila ang binata. Pinagtulungan nilang isakay si Miro sa sasakyan at ng malayo-layo na ang kanilang tinatakbo ay nagulat sila dahil bigla itong nagsalita.

"I hate you Alleah, magbabayad ka!"ang paulit-ulit nitong bigkas.

Naaawang hinaplos ni Señora Alona ang pisngi ng anak, hindi niya ito masisi sa nangyari, at gustuhin man niyang magalit kay Alleah ay hindi niya magawa, kailangan muna niya itong makausap ng maayos.


"Dito na lang po ako, Señor Señora."ang sabi ni Louie.

"Louie, pumunta ka sa Hacienda sa Sabado."sabi ni Señor Alvin sa binata bago ito bumaba.

"Sige po, ingat po kayo at maraming salamat po."


"Honey anong iniisip mo?"tanong ni Señor Alvin sa asawa.


"Hindi ko alam hon, talagang ba na nangyari ito sa anak natin?"



"I don't know why? Galit ako sa nangyari hon, at ayaw kong pangunahan ang anak natin, kilala din natin si Alleah at alam kong alam mo na lihim siyang may pagtingin sa anak natin, at naguguluhan ako sa mga nangyari, they used to be a good friend."


"I know Alleah is a good woman, kaya I want to talk to her, lalo pa at buntis siya, hindi man magandang tingnan pero ayaw kong maging bastardo o bastarda ang ating unang apo."


Hindi kaya ng katawan ni Miro ang magprotesta sa naririnig na usapan ng magulang, lahat ng paggalang niya kay Alleah ay parang bulang naglaho. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakarating sa kanyang kwarto.


Kinaumagahan ay nagising siyang masakit ang ulo, agad siyang bumangon at dumiretso sa CR para maligo nagbabad siya sa malamig na tubig bago ipinasyang magbihis at bumaba. Nasa taas pa lang siya ng hagdan ay naririnig na niya ang pagtawa ng kanyang ina na ikinapagtaka niya.


"Ma?"tawag niya dito at dumiretso sa kusina, para lang mapalitan ng mabagsik na anyo ang kanina ay maaliwalas niyang mukha."what are you doing here!?"matigas niyang tanong kay Alleah na halos mapalundag sa takot at gulat sa kanya.


"Miro anak ako ang nagpapunta sa kanya dito, infact galing na rin dito sila Antonio at Lolita napag-usapan na namin ang kalagayan ni Alleah."


"Ma, kung ano man ang pinaplano nyo, hindi ako sang-ayon!"


Napatungo si Alleah, dahil hindi niya kayang  salubungin ang titig na nanunumbat ni Miro.


"Miro anak, mag usap kayo, isipin mo ang anak ninyo."mahinahon sabi ng ina ni Miro na halos ikasikip ng dibdib ni Alleah, magpoprotesta sana siya na wag na itong umalis ngunit mabilis na nagsalita si Miro.


"Okey Ma, you're right! Para sa "anak namin!!" mag uusap kami.''


"Okey maiwan ko na kayo."at sinenysan nito ang mga kasambahay na umalis para maiwan ang dalawa. Ng masigurado ni Miro na nakalayo na ang Ina ay tiningnan niya si Alleah na nakatungo isinara niya ang pinto ng kusina at ini-locked iyon na lalong nagpakaba kay Alleah.


"Aren't you going to explain to me,kung anong katangahan ang pumasok  sa utak mo!?"mapanuya nitong sigaw sa kanya.



"M-Miro, hindi ko sinasadya."

Kumawala ang ngisi sa labi ni Miro."really, what is it? Dahil sa ginawa mo iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko, then sasabihin mo sa'kin hindi mo sinasadya! Ano yun Alleah ha!?"


"Miro ayaw kitang mapahamak dahil.. dahil.."


"Mapahamak kanino? At dahil ano ha Alleah!?"sigaw nito na halos ikabingi niya.


"Dahil mahal kita!"sagot ni Alleah na umiiyak na ikinagulat ni Miro."Mahal kita bilang ikaw, bilang si Miro."


TBC

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon