C-Seventeen

7K 238 14
                                    


Unedited....

"Miro, take care of your wife okey."ang mahigpit na bilin ni Señora Alona sa anak, na tanging tango lang ang isinasagot sa kanya.

"Alleah, anak if anything happened please give me a ring, okey ingatan mo ang iyong mag-ama and more patience to your husband, kilala mo si Miro, kapag ayaw ayaw, kapag gusto gusto okey anak. Ngaun pa lang ma-miss na kita."magiliw nitong sabi kay Alleah at niyakap ang manungang, kitang-kita ni Señora Alona ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ni Alleah."anak kung ano man ang gumugulo sa isipan mo, I am here to listen and I won't judge you, kilala kita mula ng isilang ka ni Lolita, I know that you have a golden heart."naiiyak nitong sabi, maging si Alleah ay napaiyak dahil sa pagiging down to earth ng byenan ramdam niyang she can trust her at isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan, she will tell the truth sa pagbalik nila ni Miro galing Palawan.

"Beeppp!" Ang malakas na busina ni Miro na nagpagulat kay Alleah.

"Sige na Alleah at excited na yata ang asawa mo salubong na ang kilay. Mag iingat kayo may kasambahay kayo doon na tuwing Wednesday darating, anak I'm sorry ha but mag stay kayo doon for one month."

"Ma?"takang sabi ni Alleah."alam po ba ito ni Miro?"

"No! At mas makakabuti iyon sa kanya,sa island ang punta ninyo, I bought it 5 year's ago, kompleto sa gamit doon, may yate na maghahatid sainyo , at babalik lang iyon after one month."ang mabilis na sagot ni Señor Alvin.

Napanganga si Alleah sa tinuran ng mga byenan. Lutang ang isip na sumakay siya sa kotse ng asawa at ng makalabas sila ng malaking gate ng Hacienda Legazpi ay napuno ng kaba ang dibdib ni Alleah. Samantala tahimik na nagmamaneho si Miro, ayaw niyang magbukas ng kahit anong usapin kay Alleah, malayo ang Palawan na minsan na rin niyang naisip na puntahan para mag unwind. Sa haba ng kanilang biyahe ay nakatulog si Alleah, wala siyang kamalay-malay na kung ilang beses ng napapamura si Miro sa tuwing magagawi ang paningin sa kanya. Dahil summer ay pinili niyang isuot ang summer floral dress na binigay ng kanyang byenan, it's purple color na strapless na nagpapakita ng kanyang makinis na balikat,it's above the knee kaya naman sa bawat mali niyang kilos lumililis ito, na nagpapahirap kay Miro dahil natatanaw niya ang bilugan hita nito, kasabay ng paglutang ng imahe nito na nakita niya sa sariling kwarto.

"Damn!!"sabi ni Miro kasabay ng pagsuntok sa manibela at pag-apak sa preno na ikinagulat ni Alleah.

"Ano ba? Alam kong galit ka sa'kin pero kung papatayin mo lang din naman ako sa nerbyos mabuti pang kumuha ka ng baril at iputok mo na lang sa ulo ko!"mangiyak-ngiyak na asik ni Alleah kay Miro na habol ang hininga.

"Don't worry hindi sa ganitong paraan kita gustong gantihan!"sagot nito at mabilis na pinasibad ang kotse nito, hindi ba muling nakatulog si Alleah hanggang sapitin nila ang Manila airport, walang imikan na binuhat ni Miro ang sarili nitong gamit matapos ibilin sa parking area ang kotse nito  ay diretso itong pumasok sa loob, dahil sa malaking tao si Miro ay halos takbuhin ni Alleah ang hakbang nito. Dahil sa pagmamadali niyang maabutan ang asawa ay hindi niya napansin ang isang lalaking nagmamadali din sa paghakbang at nagkabungguan sila.

"Naku po! Mam sorry po!"ang hinging paumanhin nito at inalalayan siyang tumayo.

"O-okey lang pasensya na rin nagmamadali din kasi ako, sige salamat."sabi ni Alleah at nilinga si Miro ng hindi niya ito makita ay nais bumigay ng tuhod niya sa sama ng loob at awa sa sarili, laglag ang balikat na binuhat niya ang kanyang bag at tumalikod, palabas ng airport.

"Where are you going Alleah!?"malakas na boses ni Miro na nagpaiktad sa kanya at nakaramdam siya ng saya dahil hindi pala talaga siya iniwan nito gaya ng iniisip niya. Nakangiting nilingon niya ito na agad napawi dahil sa brasong nakakapit dito.


"Hi Alleah."nakangisi nitong bati sa kanya.


Napatingin siya sa gawi ni Miro na ang blanko ang ekspresyon na nakatingin sa kanya. "So are you planning to go back in the house, for what? to tell my parents that I leave you here in the airport.?"mapanuyang sabi ni Miro kay Alleah."that won't work Alleah."


"Honey, alis na tayo I'm so excited to be there."ang malakas na sabi ni Cassandra at hinalikan ang labi ni Miro.


Huminga ng malalim si Alleah at iniiwas ang paningin sa dalawa. "Hindi pa ito ang oras para sumuko sa laban na ito."sabi ng isip ni Alleah.


Ng ianunsyo na ang pag-alis ng eroplano na maghahatid sa kanila hanggang sa Coron Palawan ay nauna ng humakbang si Alleah, hindi naman siya ignorante sa airport kaya alam niya kung saan siya dapat dumaan.


"Alleah!?"ang tawag ni Cassandra sa kanya. Hindi sana niya ito papansinin ngunit may pinag-aralan siya.


"Yes?"


"Here, take my bag, it's heavy nanakit na ang braso ko."sabi nito at iniabot sa kanya ang bag nito.



Tumigas ang panga ni Alleah sa sinabi ni Cassandra."well kung ayaw mong mangalay ka sa pagdadala, madali lang naman Cassandra eh."sabi ni Alleah at luminga sa paligid na tila may hinahanap ng makita niya ito ay napangiti siya."it's very easy."sabi niya at tinanggap ang bag ni Cassandra at diretso lumakad patungo sa malaking basurhan na nakita niya sa gilid, walang alinlangan inilagay nya doon ang bag ni Cassandra. "Done!"nakangiting sabi niya dito at dumiretso siya sa linya papasok sa eroplano, natatawa siya sa kanyang ginawa rinig na rinig pa niya ang mga maaanghang na salitang lumalabas sa bibig ni Cassandra at ang paulit-ulit na pagbanggit nito ng pangalan niya.


"Good evening Mam, have a nice trip."bati ng stewardess ng ipakita niya ang kanyang passport at ticket.


"Thanks."nakangiti pa rin na sagot niya. At dumiretso siya sa kanyang upuan, dalawang minuto ang nakakaraan ng padabog na umupo si Miro sa tabi niya.



"Alleah, di ako natutuwa sa ginawa mo!"gigil na sabi ni Miro sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin."when I'm talking to you, I want you to look at me, did you understand!"mariin nitong sabi kasabay ng paghila sa kanyang braso paharap dito.



"Don't make a scene here Miro, dahil isang tawag ko lang sa Mama mo, mawawala ang mahal mo sa loob ng eroplano na ito, be thankful na hindi ko ito sinabi kay Mama,kaya kung gusto mo na maging maayos ang pakikitungo ko sa kanya, unahin mong igalang ako bilang tao at higit sa lahat bilang asawa mo!"mariin niyang sagot dito."let go off my arms!"dugtong ni Alleah at hiniklas ang kanyang braso sa binata.



TBC......












Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon