C-Twelve

7.1K 249 21
                                        

Mula ng mangyari ang sagutan sa pagitan ni Miro at Alleah ay nagpasya ng mag-resign ang dalaga, tinanggap na rin niya ang alok ni Jacob na trabaho sa kaibigan nito sa Canada, sa isang Restaurant na maging cashier.

"Sigurado ka na sa desisyon mo, Alleah? Baka naman kaunting suyo lang ni Miro sayo magbago na naman ang isip mo."

"Sure na ako Jessica, naipasa ko na ang resignation letter ko, at effective na yun in 15 day's."

"A-aattend ka pa ba sa kasal nila?"

"No! May lakad ako bukas.''

"Okey, o paano uwi na ako Alleah, darating din ang tamang lalaki para sayo."

"I know at sana ikaw din."

Kinagabihan ay nagpaalam si Alleah sa kanyang magulang na mamasyal sa plaza, sa kanya paglalakad ay nakita niya si Jayson Ybañez na nagmamadali sa paglalakad, sinundan niya ito at gaya ng inaaasahan niya ay katagpo nito si Cassandra.

"Cassandra, ano ba ang sasabihin mo at hindi mo na lang itinawag."halata ang inis sa tono nito.

"Jayson buntis ako, at ikaw ang Ama."

"Shit!! Bakit hinayaan mong mangyari ito, dapat si Miro ang makabuntis sayo Cassandra! Hindi ka na nag isip!"

"Gago ka pala eh! Ikaw ang namilit sa'kin na sagutin si Miro kahit ayaw ko, tapos ako ang may kasalanan, atsaka anong pumasok sa kukote mo at nag apply ka pa sa company niya!?"

"Cassandra, kapag kasal na kayo at nasa company niya ako madali kong maisasagawa ang plano ko na patayin si Miro, at kapag nangyari yun. Boom! Malaya ka na mayaman pa tayo."

Napalunok si Alleah sa narinig sa dalawa. Patakbo siyang lumayo sa mga ito halos hindi siya huminga wag lang makalikha ng ingay. Pakiramdam ni Alleah ay natuyuan siya ng dugo at tubig sa katawan ng makalayo na siya, agad niyang pinara ang dumaan trisikel.

"Kuya, Hacienda Legazpi po at pakibilisan."

Habang nakasakay sa trisikel ay hindi malaman ni Alleah ang gagawin, tama na sabihin niya agad ito kay Miro, paano kung hindi siya nito paniwalaan. Dahil sa kanyang pag-iisip ay hindi niya namalayan na nasa tapat na sila ng gate ng Hacienda Legazpi.

"Ineng baba ka ba dito o hindi!?"malakas na tanong ng trisikel driver.




"Ho! Ay kuya pasensya na po, doon na lang po ako sa unang kanto, salamat po."

Ng marating ni Alleah ang kanilang bahay ay agad niyang binayra ang driver ng sobra sa tamang bayad dahil mabait naman ito, tahimik siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay, agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto na hindi man lang nakapagbigay galang sa magulang na ikinapagtaka ng mga ito.

"Lolita anong nangyari sa na anak mo? Tila malalim ang iniisip, aba'y hindi man lang tayo tinapunan ng sulyap!"takang tanong ni Mang  Antonio sa asawa.

"Hindi ko rin alam Tonio, teka nga at puntahan ko."



"Wag na hayaan mo muna baka gustong mapag-isa bukas na natin tanungin, gabi na rin naman."


Nakahiga na si Alleah ngunit hindi siya dalawin ng antok, dahil naiisip niya ang pinag-usapan nila Cassandra, ayaw niyang mapahamak si Miro pero paano niya iyon gagawin ng hindi ito magagalit sa kanya.



"God help me please, ituro mo po sa'kin ang dapat kong gawin."taimtim niyang dasal. Sinipat ni Alleah ang oras alas dos ng madaling araw.....alas tres.....alas kwarto.....alas singko.....alas sais.

"Bahala na kayo Lord."


Agad siyang bumangon sa kanyang higaan, mabilis siyang naligo at naghagilap ng maayos na dress sa kanyang simpleng tokador. Inayusan niya ang kanyang sarili gamit ang mga pang make up na binili nila ni Jessica ng nakaraan linggo. Bahagya niyang itinaas ang kanyang buhok bago nag-apply ng pulang lipstick, nagmukha siyang sopistikada sa ayos niya.


"Morning Nay, Tay."bati niya sa magulang ng abutan niyang nagkakape ang mga ito."sorry po kagabi medyo pagod lang po ako."





"Walang anuman iyin anak, saan ang lakad at bihis na bihis ka!?"tanong ng kanyang Ama.






"Sa bayan inay, pero mamaya pa po ako aalis, hintayin ko po si Jessica."



"Alleah anak, okey ka lang ba?"tanong ng kanyang Ina.



"Opo Nay."




Makalipas ang dalawang oras ay nagpaalam na ang kanyang magulang para saksihan ang kasal nila Miro at Cassandra. Dahil araw ng linggo ng kasal nila Miro at Cassandra ay dumagsa ang mga tao sa simabahan para saksihan ang pag iisang dibdib ng dalawa.  Mula sa panghuling upuan ay nakaupo si Alleah, minamasdan niya si Miro na napakakisig sa suot nitong gray tuxedo, for sure na maraming babae ang maiinggit kay Cassandra sa oras na makasal ang mga ito na hindi niya hahayaan naangyari. Ten am anf umpisa ng church wedding at ngaun ay nine thirty na. Ng tumunog ang hudyat na dumating na ang bride ay binalot ng kaba ang dibdib ni Alleah.




"Ang ganda ng bride."isa sa mga papuring naririnig ni Alleah at ng tingnan niya si Cassandra ay todo ang ngiti nito.



"You're bitch!"bulong niya." ngumiti ka na habang may oras ka pa Cassandra!"



Ng marating ni Cassandra ng kinatatayuan ni Miro ay tahimik ang buong simbahan, nakita ni Alleah ang pagdating ni Jayson Ybañez at ng kaibigan si Jessica.

Priest (Pari)

Dearly beloved, we are gathered together here in the sight of God, and in the face of this company, to join together Miro Legazpi and Cassandra Morales in holy Matrimony; which is an honourable estate, instituted of God, signifying unto us the mystical union that is betwixt Christ and his Church: which holy estate Christ adorned and beautified with his presence and first miracle that he wrought in Cana of Galilee, and is commended of Saint Paul to be honourable among all men: and therefore is not by any to be entered into unadvisedly or lightly; but reverently, discreetly, advisedly, soberly, and in the fear of God. Into this holy estate these two persons present come now to be joined. If any man can show just cause, why they may not lawfully be joined together, let him now speak, or else hereafter for ever hold his peace. 


(All..... Amen)


"Miro, do you take Cassandra to be your partner in the adventure that lies ahead?
Do you promise to walk by her side to the ends of the earth?
To love, encourage, and support her in her every endeavor?
Do you commit to opening yourself up completely to her and share with her your entire being?
To share her laughter as well as tears?
Do you take her as your wife for now until the end of time?

Miro...." I do."



"Cassandra, Do you take Miro to be your husband,
to have and to hold from this day forward for better or for worse,
for richer or for poorer,
in sickness and in health,
to love and to cherish till death do us part?"


"I, do."


"Before we continue this solemn marriage of Miro and Cassandra, is there anyone against in this wedding raise your hands or you remain silent forever."ang tanong ng pari, lalong naging tahimik ang buong simbahan bawat isa ay lumingon sa bawat sulok o sa bawat tamaan ng kanilang paningin.



"God guide me please, bigyan mo po ako ng lakas ng loob na pigilan ang kasal na ito para sa ikabubuti ng taong pinakamamahal ko."bulong ni Alleah, huminga siya ng malalim bago marahan tumayo.



"Tumututol ako sa kasalang ito! Buntis ako at si Miro ang Ama!"matatag na sabi ni Alleah, at sinalubong niya ng buong tapang ang mapang-usig na   tingin ng mga tao sa simbahan.



TBC......

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon