C-Twenty

8.1K 251 27
                                    

Unedited......

"Jacob, tulungan mo ako."ungol ni Alleah.

Tila binuhusan ng tubig na malamig si Miro sa narinig na sinabi ni Alleah. Agad siyang umalis sa ibabaw ng asawa at ilang ulit siyang napamura, pinahipa niya ang sarili bago niya ito kinumutan at lumabas. Kumuha siya ng alak mula sa Bar at pumunta siya sa tabing dagat, doon ay ginawa niyang tila tubig ang nakuhang brandy hanggang sa naubos niya iyon, sumusuray na pumasok siya sa kabahayan at sa lasing na diwa ay naglalaro ang hubad na katawan ni Alleah na nagbigay ng matinding init sa kanya.




"Honey."ang tawag ni Cassandra ng makitang nakatayo si Miro sa pagitan ng kwarto niya at ni Alleah. Agad niyang nilapitan ito at siniil ng halik, ayaw ng  isip ni Miro ang nagaganap dahil noong makita sila ni Alleah sa tabing dagat ay tinabig niya si Cassandra na nasa ibabaw niya.





'' Cassandra, s-stop."sabi ni Miro at pilit binabaklas ang yakap ni Cassandra hanggang sa natumba sila sa sahig na lumikha ng malkas na kalabog para ikagulat mi Alleah na nanlaki ang mata ng makitang hubad ang sarili, pinakiramdaman niya ang sarili ngunit wala naman masakit sa kanya.




"Paanong nahubad ang damit ko? I was dreaming that Miro and I in bed, ngunit inabutan daw kami ni Cassandra kaya humingi akong tulong ng babarilin niya ako at si Jacob ang naroroon."mga katagang nasa isip ni Alleah.




"Ahhgg! Ano ba kasi ang natumba na yun!?"inis niyang sabi at sapo ang ulo ay lumabas siya ng kwarto, mabigat ang kanyang pakiramdam na lalo pang bumigat ng makita ang tagpong kanyang nabungaran.





"Miro!!"mariin niyang sigaw sa asawa na nasa ilalim ni Cassandra, walang pakundangan hinila niya ang buhok ni Cassandra na napasigaw sa sakit."sumusobra na kayo ng kababuyan nyo! Kung hindi nyo ako kayang irespeto bilang asawa mo Miro, yun man lang kahit bilang tao!"




"Shut up! Alleah,nasasaktan ka? You deserve this dahil ikaw ang nag-umpisa ng lahat ng ito!"balik ba sigaw ni Cassandra.



"Tama ako ang nag umpisa, pero hindi ibig sabihin ikaw ang tatapos, ang kapal din talaga ng pagmumukha mo ano! Tanggap ko na na ikaw ang mahal ni Miro, pumayag na nga akong kasama ka dito! Pero sana naman iyang mga kababuyan nyo doon nyo gawin sa kwarto ninyo!"




"Bakit ayaw mong makita kung paano ako mahalin ni Miro? Kung paano niya  paligayahin ang babaeng tunay niyang minama______...




"PAK!!


Isang malakas na sampal ang nagpatahimik kay Cassandra, buhat kay Alleah.




"Wala akong pakialam kung paano kay niya sambahin dahil darating ang araw na babaeng inilalagay niya sa pedestal ay kauri pala ng isang babaeng mababa ang lipad! Dahil isa kang ipokrita!"sigaw ni Alleah.





Hindi makakilos si Miro sa kanyang kinatatayuan, kitang-kita niya ang sakit at galit sa mata ni Alleah. At ng sampalin nito si Cassandra ay tila nawala ang kanyang kalasingan.




"Stop it Alleah!"sigaw niya at nangibabaw na naman ang kanyang pride bilang lalaki."ano pa ba ang gusto mo ha!? Pinakasalan na kita! Aren't you happy ha? Cassandra is carrying my child na siyang dapat kong inuuna kesa sayo!"



Hindi napigilan ni Alleah ang paglabas ng kanyang luha, para itong gripo na hindi maampat sa paglabas, walang kasing sakit ang kanyang nararamdaman, kanya nga so Miro dahil kasal sila nailigtas niya sa masamang balak nila Cassandra ngunit bulag ito sa katotohanan, na hindi niya alam kung paano ito pspaniwalain sa kanya.



Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon