Unedited......
"Baby, go with Rosa okey and behave."bilin ni Jacob sa anak.
"Okey papa."
Ng makaalis si Rosa at Mariella ay galit na hinarap ni Jacob ang ina at kapatid.
''You're too much, Mama! Kayo ni Cassandra, akala ko after 5 years without seeing each other may pagbabago ngunit lalo lang pala kayong lumala sa ugaling hindi ko alam bakit kayo ganyan."
"Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan! Anak lang kita Jacob and because of that woman nagiging bastos ka,why? Nahawa ka na ba sa ugali ng mahirap na kagaya niya.?''
"Bakita mama, ano ba ang ipinagmamalaki ninyo ni Cassandra ha? "
"Kuya tama na! Igalang mo naman si Mama, 'wag kang gumaya sa babaeng yan na walang respeto sa kapwa.
"Why don't you apply it to yourself Cassandra? are you afraid na malaman ni Papa at ni Miro ang totoo?"
''Anong totoo?"tanong ni Miro na bagong dating.
Napatingin si Jacob kay Miro at kay Alleah, he has no choice andito na bahala na pagkatapos nito.
"Mabuti na rin at nandito ka Miro, para once and for all matapos na ang lahat ng isyu na ito."sabi ni Jacob at hinawakan ang kamay ni Alleah."Pa, Kailan ko lang ito nalaman at lahat ng ito ay gawa ni Mama at Cassandra at ng isang tao. Napansin mo ba Papa ang unti-unting pagkalugi ng ating negosyo? Ang ating pinaghirapan Garments Factory, kinunsinti ni Mama ang kalokohan ni Cassandra, para hindi lumutang ang katotohanan between her and Jayson Ybañez.
Namutla si Cassandra at hindi napigilan ang pag-iyak sa sinabi ni Jacob.
''Anong kalokohan ito Jacob, are you inventing story!?"galit na sabi ni Mrs Morales sa anak.
"Shut up! Sabrina!"duro ni Mr Morales sa asawa na ikinagulat nito."I want to hear evreything Jacob."
"Ang mana ni Cassandra at mama ay wala na papa, ibinigay nila ito kay Jayson Ybañez.para wag itong magsalita na sila ni Cassandra ay may relasyon at higit sa lahat hindi si Miro ang ama ng ipinagbuntis niya, at lahat ng sinabi ni Alleah 5 years ago, about Cassandra and Jayson is true!!"hinihingal sa galit na sabi ni Jacob. "Ngaun sabihin nga ninyo mama, sino ang mas matino sainyo.?"
Walang nakapagsalita kahit isa sa mga ito, maging si Alleah ay nagulat sa isiniwalat ng kasintahan.
''Babe."tawag ni Alleah dito.
"I'm sorry, kung alam ko lang na gaganituhin ka nila mama, I should'nt bring you here kayo ng anak natin."paliwanag ni Jacob sa kasintahan.
"Okey lang, alam naman natin pareho ang totoo. Mabuti pa kila nanay na tayo."mungkahi ni Alleah.
"Pa.?"ang tawaf ni Jacob sa Ama.
"Sige na kayo na lang,I will see you later."
"Sige po Tito."paalam ni Alleah."babe kunin mo na si MJ, I'll wait you outside.''
Nag umpisa ng humakbang si Alleah palabas ng pinto. Speechless pa rin si Miro ng mga oras na yun, hanggang sa lapitan siya ni Cassandra.
"M-Miro. I'm sorry."
"I dont want to talk to you now Cassandra, dahil baka ako ang makalimot na minsan ay pinahalagahan din kita!."mariing sabi ni Miro at tinabig ang kamay ni Cassandra na nakahawak sa kanya. Mabilis ang hakbang na lumabas si Miro palabas ng bahay ng nga Morales, inabutan niya si Alleah na naghihintay kila Jacob, gustong-gusto niyang yakapin ito ngunit wala siyang karapatan kahit katiting man lang.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah