Unedited.....Kinabukasan ay magulo ang paligid na ikinagising ni Alleah. Agad siyang naligo ng mabilis at bumaba.
"Mornin'."bati niya sa mga ito ngunit tila mga bingi ang mga ito na ikinbit balikat na lang niya. Dumiretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape.
"Mamaaaa!?"tili ni Mariella na ikigitla niya.
"Anak bakit?"humahangos na tanong ni Alleah sa anak.
"Invited po ako sa sa party sa sunday sa Park may street dancing po at mga free rides sa Luna Park."masayang sabi ng anak."can we go pleaseeeee,please.!"ang sabi ni Mariella na pinagdaop ang dalawang palad.
"Paano naman nila nalaman na may bata dito ay kararating mo lang.?"
"Ma lahat po invited, bata at matanda, may ipin o wala, buntis at hindi buntis kaya sige na po punta tayo ayaw kasi nilang lahat, may lakad daw po sila si lola lang po ang excited kasi sabi po niya ihahanap daw po niya kayo ng Australiano sa Park."
"Nay!"piksi ni Alleah sa ina."kung ano-ano ang sinasabi mo sa bata.
"O ay ano ang gusto mo, tumanda kang mag isa ganun ba? Di ba sabi ko di tayo babalik ng Pinas ng ala kang asawa kaya bukas ng gabi mag hunting tayo ng Australianong gwapo."
"Nay! Ang tanda mo na para sa ganan."nakairap na sabi ni Alleah sa ina.
" ay naku Alleah,life goes on. Di ba Love?"sagot ni Jhanine.
"Yah kaya mag enjoy kayo okey, magdate kasi kami ni Buntis sayang samahan sana namin kayo."
"Kuya may dinner tayong apat bukas anong magdate kayo!"sikmat ni Cassandra sa kapatid.
"Tsssk! Oo nga pala. Sorry naman sis."
Natatawa lang si Alleah sa usapan ng mga ito, may inngit sa puso niya kung buhay lang sana si Miro malamang ganito rin sila kasaya.
"Mama? Payag ka na po ba?"
"Okey baby in one condition."
"Ano po yun?"
"Let us plan your birthday celebration, kasi sa monday na yun anak."
"Okey po Mama."
Magkakatulong silang nagplano sa birthday ni Mariella. Binuno nila ito ng halos dalawang oras. Dahil huwebes na ay rush ang lahat ngunit naging maayos naman.
"Thank you guys."sabi ni Alleah sa mga ito.
"Your welcome Alleah."koro ng mga ito.
Ng sumapit ang linggo ay magkakasamang nagtungo sa Park sila Alleah at ang kanyang anak at Ina. Masayang-masaya si Alleah sa nakikitang kaligayahan ng anak at ng ina na tila batang nakikisayaw sa mga Australian na nasa kalye. Nakangiti niyang kinukuhanan ang mga ito ng video ng may lumapit sa kanyang isang batang lalaki na nasa edad na 15 sa tingin niya.
"Hey beautiful lady."
"Hi, handsome."game na sagot ni Alleah.
"There's a guy over there."sabi nito at itinuro ang umpok ng karamihan ng mga lalaki."he wants to give this to you, and he said your beautiful in his eyes."
Napatawa si Alleah sa sinabi ng binatilyo at tinanggap ang isang tangkay ng green rose at ng tumingin siya sa mga kalalakihan lahat ng mga ito ay kumaway sa kanya. "Tell him or them thank you."
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah