C-Fourty Seven

8.5K 257 34
                                    

UNEDITED.......


Two years Later........

"Mariella anak, halika na ilagay mo na ang flower na yan dito."utos ni Alleah sa anak na agad naman na sumunod sa kanya, malaki na si Mariella marami ang namamali na 9 years old na ito,bukod sa matured na itong magsalita pati ang kilos niyo ay ganun din.

"I miss you so much alam kong masaya ka na sa kinaroroonan mo, ang daya mo kasi iniwanan mo agad kami, malaki na si Mariella mag 7 na siya sana kasama ka niya sa 7 dance."sabi ni Alleah sa ibabaw ng puntod." Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa'min, mahal na mahal ka rin namin lalo na ako, ikaw ang kauna-unahan kong lalaking minahal, sana mapatawad mo na ako sa mga mali at pagkukulang ko, kahit anong mangyari nag iisa ka dito sa puso ko walang makakapantay na kahit sino."ang umiiyak na sabi ni Alleah.

"Mama, tara na po uulan na hinihintay na tayo nila Lola."ang tawag ni Mariella sa ina. "Maiiwan na po tayo.ng airplane."

"Aalis na kami kahit malayo kami, hindi ka namin kakalimutan. Pangako. I love you so much." Paalam ni Alleah.

"Bye po ayaw na sana kitang tawagin kasi para sa'kin buhay ka lang Dad."ang sabi ni Mariella na nagpahagulgol kay Alleah." Mahal na mahal kita."

Isang sulyap pa ang ginawa ni Alleah sa puntod ng pinakamamahal na lalaki sa buhay niya, hindi niya akalain na mawawala ito sa kanila ng ganun kaaga. Ngunit ganun talaga ang buhay. Flight nilang mag ina ngaun patungong Sydney Australia bagong bansa, bagong buhay, bagong pag-asa, ang mga pangarap niya noon ay natupad na niya at sobra sobra pa sa inaasahan niya ngunit ang lahat ng iyon ay parang walang saysay, kundi dahil sa anak baka matagal na rin siyang bumigay, sa dalawang taon na nakalipas ang pangungulila niya ay andun pa rin walang araw na at gabi na hindi siya umiyak at naiisip si Miro.

"Kayong mag ina talaga, maiiwan na kayo ng eroplano."sita ni Señora Alona kila Alleah.

"Ma, hindi ka ba talaga sasama?"

"Susunod ako anak, aayusin ko lang ang mga negosyo na naiwan sa'kin mga kamay na ayaw mo naman pamahalaan balak ko na ibenta ang handy crafts at mag umpisa ng ibang negosyo."

"Okey Ma, tutulungan kita pero sa ngaun ikaw muna alam kong kaya mo yan."

"I understand iha, sige na kanina pa nanduon ang iyong magulang ang nanay mong excited pa sa bata sumakay sa eroplano."

"Lola, promise andun ka sa 7th birthday ko ha, para kompleto tayo."

"Oo apo, promise papakabait ka ha, listen to Mama always. I love you Princess."

"I love you to my Lola A. Like my Mama A."

Naluluhang niyakap ni Señora Alona ang apo, tiyak na masayang-masayang ang dalawang lalaki sa buhay ng bata habang nakatingin sa mga ito bagaman maagang kinuha ito sa kanila."madaya kasi kayo iniwanan ninyo agad kami."bulong ni Señora Alona habang nakasunod ng tingin sa mag ina. "God bless you Alleah and Mariella. Happy trip Anak, Apo."sigaw niya sa dalawa na kumakaway.

Syndey, Australia....

"Excited ka sobra ha?"bati ni Cassandra sa kapatid.

"Naman, eh ikaw ba?"

"Syempre excited din, 2years is not enough for me para magpasalamat ng sobra kay Alleah."

"Eh kailan ba ang labas niyan?"tanong ni Jacob sabay haplos sa malaking tyan ng kapatid.

"This week na."

"This week na eh, bakit ala pa ang siraulong Jayson na yun, kapag nanganak ka ng wala ang gungong na yun, di niya makikita ang pamangkin ko!"nakasimangot na pahayag ni Jacob.

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon